// break down //

631 21 3
                                    

(( kunwari naglipat bahay ka lols..geh geh waley din to eh))

------


Nakatitig ako sa taong nasa harap ko. Hindi ako makapagsalita.


Ang lungkot ng mga mata nya. Parang anytime, magbebreak down sya. Ay ayokong mangyari yun. Ayokong mangyari yun dahil alam ko, na ang dahilan kung bakit sya iiyak ay...ako.


"Da-daddy Vice.."

"Da-daddy Vice? Tatawagin mo parin akong Daddy Vice?"

"Hi-hindi na po ba ako welcome sa..sa..fandom na to?"

"Welcome ka. Welcome ka naman eh. Ang..ang sakit lang kasi..kasi kitang-kita ko kung paano..paano mo inaway ang mga kapatid mo sa twitter."



Napayuko ako. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Nakakahiya. Nakakalungkot. Masakit.


Napatingin ulit ako sa kanya nung nagsalita sya ulit. "Ang..ano..ah.. kasi dati nakikita kita sa studio. Naririnig ko boses mo kapag tinatawag mo ako. Yung mga kaway mo para lang mapansin kita. Nababasa ko mga tweets mo na may mga pictures pa nating dalawa. Tapos..tapos hindi ko na alam kung anong nangyari. Na nagising na lang ako na ayaw mo na sa akin..na ayaw nyo na sa akin. Na..na..", at nagbreak down na sya.


Ang sakit sa mata tong nangyayari ngayon...masakit sa dibdib. Napaiyak ko ang isang taong espesyal sa akin. Hindi ko namalayang umiiyak na din pala ako. Buti na lang at kami lang dalawa ang nasa dressing room nya. Kanina kasi, nung papalapit ako sa kanya para magpapicture, hinila nya ako papunta sa dressing room nya at sinabihan ang team vice na lumabas muna.


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, matatakot o malulungkot.


Two years ago, parang close kami ni Vice. I mean, kilala nya ako, minsan nga nililibre nya ako..kami. Until..yun nga, bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.


"Ma-masaya ka ba?", he asked suddenly.

"Ha?"



"Masaya ka ba sa bagong pamilya mo? Did they treat you well?"


Napahinto ako.


Masaya ba talaga ako?

Masaya ba talaga ako sa bagong mundo na ginagalawan ko?



Hindi ko alam.



Ang alam ko lang.. magkaiba. Magkaiba ang mundong to sa dating mundo na ginagalawan ko.


At kung papipiliin ako?



Dito.




Ito ang pipiliin ko. Once you're a vicerylle baby, once you're a little pony, once you're a k jewel.. you will always be in this fandom. Kahit mawala ka, kahit napaiba ka ng landas..babalik at babalik ka pa rin.


Because this fandom is my home...my life.






Welcome pa ba ako?


--


Para sa mga lumipat at bumalik..

Para sa mga nagtatanong kung welcome pa ba sila..


Ang tanong, handa ba talaga kayong bumalik? Handa ba kayong iwan ang fandom nyo ngayon gaya ng pang-iiwan nyo sa amin dati?


Our Point Of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon