// wrong, very wrong //

1K 76 18
                                    

A/N: AY SARREH D TLGA AKO MARUNONG GUMAWA NG TITLE. At sorry sa story.. Kathang isip lang mga bhe huhuhu
-------------

Year 2020

Nakatutok ako sa tv. Inaabangan ang paborito kong palabas.

Alam nyo na, little pony till death.






"HELLO MGA KAPUSO!!", sabi ni....Vice.

Oo, lumipat sya. Ang daming sumikat sa ABS kaya halos wala na syang project.

Syempre, maraming nagalit sa kanya. May iba, mahal parin sya at sinusuportahan pa din sya.

*sigh*

Syempre, nasaktan ako. Hello! Kapamilya ako eh. Solid!! Pero...pero mahal ko si Vice eh. Ang hirap..ang hirap hirap.

Hindi na katulad ng dati. Ibang channel, ibang environment.

*************

"Karylle, namimiss mo ba si Vice?", tanong ng isang interviewer sa kanya.

"Namimiss sa trabaho. Wala na yung tatawag sa akin ng Kurba. Pero syempre namimiss ko din yung showtime. Lahat ng co-hosts ko... Pero outside the work, nagkikita naman kami. We're still family. Hindi naman nagbago yun."

Kumuha ulit ako ng tissue at suminga. Ayoko na Lord. Ang sakit sakit na. #RIPGalunggongBecauseVicerylle

"Is it true na nagdedate kayo ni Vice?"

Karylle laughed. "Hindi..hindi. Pero malay nyo, someday? Pero even if close talaga kami ni Vice, kahit umamin na sya on national television na mahal nya ako at kahit ilang taon na na wala na kami ni Yael, I'm not ready pa to enter another relationship. But if he can wait, why not?"

Napatili naman ako sa kilig. Jusko Vicerylle ano bang ginawa nyo sa akin. Naalala ko na naman yung umamin si Vice. Take note, nasa GMA na sya nun.

"Hi nga pala sa mahal ko at sa nagpabago ng buhay ko. Huy Kurbs, I love you.", sabi nya sabay wave sa camera. Nagtilian naman ang mga babies at ponies na nandun.

Kahit naman kasi hindi na sila nagtatrabaho sa iisang network, buhay pa ang Vicerylle. Kaya nga mahal na mahal ko tong fandom na to.

********

"VICE GANDA, Balik Kapamilya na ba?"

Napatitig ako sa site. Nakker, kinikilig na sana ako kaso baka hopia lang to.

Inis na kinancel ko ang tab at nagtwitter na lang.

@: huy @vicegandako!! I miss you!! (Alam mo na ibig sabihin nyan bhe.) Mwah yabyu!

Nagsoscroll lang ako at lahat ng tweets na nakikita ko sa timeline ko ay tungkol sa news dun sa site na yun.

Kaya nagtweet ulit ako. @: hindi pa ba kayo umay sa hopia ha kaya tayo nasasaktan eh *insert crying emoji*

Ilang minuto pa ay nagtweet si Vice.
Nabitawan ko ang hopiang kinakain ko. (Gutom ako ples dnt judge)

Sht this can't be happening!!





@vicegandako: I'M BACK-LAAAAAAA! THE HORSE IS BACK. BALIK SA ORIGINAL NA KWADRA.

Sinong tao ba ang hindi makakagets nun? Tapos na ang dalawang taong kontrata nya sa GMA.

Mas nagulat ako sa sumunod nyang tweet.

@vicegandako: And I'm back-laaaa as straight. I love you!!! Thank you for saying yes. (Kayo na manghula..alam ko namang gets nyo to *insert wink emoji *)

OH GOD I DIE.

Our Point Of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon