Review for Lord of the Dead Beasts vol.1 by Heysomnia

11 3 8
                                    


Title: Lord of the Dead Beasts [Volume: 1]
Author: heysomnia

Summary: Ito ang kwento ni Grim Lancaster, isang alipin na may taglay na Mana Core, ngunit ito ay hindi nya maaring gamitin dahil nakaselyo ito, ang slave mark ang pumipigil para magamit ito ni Grim. Nakatakas si Grim at ang kaibigan nitong si Jedan mula sa kanilang malupit na amo nang makalaban nito ang isang mersenaryo na minsan nang nagligtas sa buhay ni Grim, alam ng amo ni Grim na hindi sya mananalo kaya nagpasya itong lumikas sa laban.

Dito na magsisimula ang adventure ni Grim

Strengths:

Character Development: Maganda ang pagkakapresenta ng character ni Grim, interesting yun kakayanan nya na mag-imbak ng mana, na maari nyan gamitin sa mga matututunan pa lang nyang skills sa hinaharap. OK din na character si Mival na syang magtuturo kay Grim kung paano sya magiging magaling sa pakikipaglaban.

Plot: Maganda at engaging yun plot, sakto lang ang tapos at story flow sa bawat chapter

Setting: Simple lang ang world building, typical na mundo na normal ang mga mana wielders at spell casters. May mga di pangkaraniwang nilalang at beast na kasali sa kwento.

Writing Style: Malinaw naman ang pagkakasulat sa bawat chapter, madali lang masundan kahit mga non fantasy fan/readers.

Areas for Improvement:

May mga jargon sa story na pwedeng gawan ng chart sa dulo ng chapter or mag dedicate ng isang chapter page para sa guide, halimbawa, power rankings, power levels, types of magic, types of beasts etc. pero ito ay isang suhestiyon lamang, choice mo pa rin kung, lalagyan mo nito o hindi.

Final Thoughts: Overall, ang Lord of the Dead Beasts ay magandang basahin, sakto ito sa mga readers na into gaming lalo sa RPG, relate na relate kayo dito, or kung fan ka ng shonen or anime, hindi rin nalalayo yun story style nito sa mga ganun klase, maganda yun takbo ng kwento at interesting yun character na si Grim (at si Mival na rin), looking forward pa sa pageensayo at pagpapalakas nya, tapos yun arc kung saan kailangan na niyang harapin si Barthel at yun binabangit na guro.

Good job ka dito heysomnia, natuwa at nag enjoy ako sa story mo, (sakto sa katulad ko na fantasy adventure writer din) more reads and follow pa sa iyo at sa story mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fantasy Writing Critic, Review and Simplified GuideWhere stories live. Discover now