Chapter 1

6.1K 143 121
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, events are just product of the writer's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely coincidental.

All rights reserved 2015. No part of this story may be reproduce in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the writer.

***

"May I take your order Ma'am, Sir?" Tanong ko sa mag-asawa, ngumiti silang dalawa sa akin at sinabi na rin nila ang kanilang order. Habang nililista ko yung order nila napatingin ako sa isang binatang katapat ng mag-asawa, kanina pa kasi siya nakatitig sa akin. Hindi ako assuming ha? Nakaka-conscious kaya kapag may nakatitig sayo at isa pa may dumi ba ako sa mukha, kulang na lang tunawin niya ako sa pagkakatitig niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo habang nakatingin sa kanya at laking gulat ko ng ngumiti siya sa akin. Shocks lang! Ang gwapo pala niya, bakit ngayon ko lang napansin? Hala! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko...

"Ehem." Natigil naman ako sa pag-iisip ng marinig ko yun mula sa Daddy niya.

"Anything else Ma'am, Sir?" Medyo naiilang kong tanong sa mag-asawa. Nakakahiya! Baka isipin pa nilang nilalandi ko ang anak nila. Eh nilalandi agad? At isa pa yung anak nila yung ngumiti sa akin. Okay. Bakit ang defensive ko? Ngumiti na lang ulit ako sa mag-asawa.

"Yun lang, wala na..." Gumaan ang pakiramdam ko ng ngumiti rin sila sa akin.

"Okay po, please wait for your order Ma'am, Sir." Ngumiti ulit ako at dumiretso na ako sa may kusina para sabihin ang order nila. At dahil marami-marami ang order nila tinulungan ako ni Dice, isa rin siyang waiter at ka-close ko rito. After naming mai-serve ang mga in-order nila hindi ko maiwasang mailang ulit dahil nakatitig na naman sa akin yung anak nung mag-asawa. Ngumiti na naman siya sa akin at ako naman pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya.

Umalis na kami ni Dice at tumungo sa staff's area. "Dice..." Tawag ko kay Dice habang naglalakad kami patungo sa staff's area.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Bakit?"

"May dumi ba ako sa mukha?" Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Bigla kong naramdamang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Tiningnan niya ang buong mukha ko na parang sinusuri niya ito.

"Wala naman." At tinanggal niya ang pagkakahawak sa magkabilang pisngi ko.

"Eh bakit kailangan mo pang hawakan ang magkabilang pisngi ko?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

"Ang cute mo kasi." He pinched my cheeks kaya napa-'ouch' ako. "Ehehe... Peace!" Nag-peace sign pa siya, para talaga siyang bata. Napailing na lamang ako habang nakangiti.

***

Lumipas ang ilang oras at natapos na ring kumain ang mag-asawa at ganun rin ang anak nila. Tiningnan ko ang orasan at 10 PM na pala. Lumapit ako sa mag-asawa dahil kinuha na nila yung bill nila. Laking gulat ko ng sumenyas ang mag-asawa na sa anak nila iabot yung bill. Eh? Siya ang magbabayad? Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Pero inabot ko na rin sa kanya yung bill nila. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon kaya tumingin na lamang ako sa may labas ng restaurant.

Matapos niyang ilagay ang bayad nila para sa mga in-order nila, tumayo na rin sila at umalis medyo napatungo pa nga ako ng dumaan siya sa harapan ko. Napatingin naman ako sa likuran niya habang tinutungo ang daan palabas ng restaurant.

At laking gulat ko nang lumingon siya sa direksyon ko at muling ngumiti. Napahawak ako sa pisngi ko dahil naramdaman kong nag-blush ako. "In love ka na niyan." Halos mapatalon ako sa gulat dahil kay Dice, paano ba naman ang lapit niya sa akin tapos yung bulong niya pa mapang-asar talaga.

Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon