Chapter 7

2K 91 31
                                    

Binabasa ko ulit yung conversation namin ni MR. 10PM. Isang buwan na rin pala kaming nag-uusap. Paano na kaya kami pag nagsimula na ang pasukan. Ime-message pa kaya niya ako? Pakiramdam ko pag nagpasukan na makakalimutan na niya ako. Hindi ko maiwasang hindi malungkot, kasi naman, nasanay na ako sa pangungulit niya.

Habang binabasa ko yung conversation namin, para akong baliw na kanina pa ngiti ng ngiti dito.

"Why are you smiling like an idiot?" Tiningnan ko ng masama si Cade, grabe naman kung makapagsalita ang isang 'to. "Nababaliw ka na ba?"

"Wala kang pakialam. Please lang, mind your own business." Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumisi lang siya sa akin. Tsk! Eh di siya na ang gwapo.

"So ganyan ka na pala makitungo sa amo mo ngayon?"

"Bakit ikaw ba ang nagpapasweldo sa akin?" Nagulat siya sa naging sagot ko. Ewan ko ba, ganito kasi ako pag napupuno, hindi ko na alam kung ano yung mga pinagsasasabi ko. Halos hindi tuloy maipinta ang mukha ngayon ni Cade. Parang gusto ko tuloy siyang picture-an. Ahaha!

"Dana!" Sabay kaming napatingin ni Cade sa may pintuan at nakita namin si mama. Lagot! Mukhang masesermonan pa ata ako. "Hindi ko gusto yung sinabi mo kay Cade, mag-sorry ka sa kanya." Uwaahh!! Ayoko! SIya naman nag-umpisa eh!

"Pero kasi ma---"

"Dana..." Tiningnan ko si mama na mukhang dismayado talaga dahil sa sinabi ko kay Cade kanina. Humarap ako kay Cade at kahit ayoko nag-sorry ako sa kanya.

"S-sorry po Sir Cade, hindi na po mauulit." Nakatungo kong sabi sa kanya. Medyo sinilip ko yung reaksyon niya, arghh! Kailangan ko talaga ng mahabang pasensiya. Kasi naman 'tong si Cade, ngumisi pa at mukhang tuwang-tuwa sa nangyayari ngayon.

"Apology accepted." At kinindatan pa niya ako. Naku! Naku! Ang lakas talaga mang-inis ng isang 'to.

"Nakahanda na ang tanghalian, sumunod na kayong dalawa sa akin." Sabi ni mama at tsaka kami tinalikurang dalawa.

"Halika na Elline, nakahanda na raw ang tanghalian." Pasalamat ka talaga Cade at medyo hinabaan ko pa ang pasensiya ko.

"Pwede ba, stop calling me Elline. Dana ang itawag mo sa akin." Sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Gusto ko Elline eh. Tsaka ikaw rin naman yun eh. Dana Elline ang pangalan mo diba?" Hay ewan!

"Bahala ka na nga!" Tinalikuran ko na siya, paalis na sana ako pero agad din akong napatigil dahil bigla siyang nagsalita.

"Elline! Para sa tuwing tatawagin kitang Elline alam mo na agad kung sino ang tumawag sayo." Nilingon ko siya at sa pagkakataong ito nakangiti na siya sa akin. Hindi ngiting nakakaloko o mapang-asar pero isang ngiti na naging dahilan kung bakit bigla na lamang bumilis nag sobra-sobra ang pagtibok ng puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

***

Pagkatapos kong maghugas dahil kakatapos lang naming magtanghalian, dali-dali akong dumiretso sa kwarto namin ni mama at nag-online agad ako sa wattpad.

whenisaydanaaaa: UWAAAHHHH!!

whenisaydanaaaa: BAKIT GANITO YUNG NARARAMDAMAN KO???

whenisaydanaaaa: KANINA NAIINIS AKO SA KANYA PERO NUNG NGINITIAN NIYA AKO NG GANON! NAWALA LAHAT NG INIS KO TAPOS...

whenisaydanaaaa: sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko???

Hindi ko alam kung kanino ko ilalabas 'tong naramdaman ko kanina kaya naisip ko na i-message si MR. 10PM. Alam ko namang hindi pa yan magre-reply kasi hindi pa naman sumasapit ang 10 PM kaya nag-log out muna ako sa wattpad. Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw, kung dati ang dahilan ko kung bakit ako nago-online sa wattpad ay para mag-update ng stories pero simula nung nasanay na ako sa pagme-message ni MR. 10PM pakiramdam ko siya na ang naging dahilan kung bakit ako nago-online. Hindi na nga ako masyadong nakakapag-update ng story eh.

Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon