Chapter 5

2.7K 109 48
                                    

Papasok na ako ngayon sa summer job ko. Hindi ko feel ang mag-bus ngayon kaya naisipan kong mag-jeep na lang muna. At habang nasa jeep ako chineck ko yung inbox ko sa wattpad, nakalimutan ko kasing i-check kanina. Wala pang message si MR. 10PM, napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Pingatawanan niya na talaga na at exactly 10 PM siya magme-message. Dahil wala naman siyang message ni-log out ko na muna ang wattpad account ko, hindi ko na rin pinansin yung mga notifications ko.

Huminto ang jeep dahil may mga bumabang pasahero. Nang nakababa na sila may panibagong mga pasahero na naman ang sumakay. Laking gulat ko nang tumabi sa akin ang isang lalaki. Hindi dahil gwapo ang katabi ko kaya ako nagulat, kasi naman siya yung lalaki sa restaurant bukod kay Quinn, siya yung nagsabi na 'Hi Dana! You look more beautiful when you smile, so keep smiling.' Nahalata niya atang tinitingnan ko siya kaya naman napatingin siya sa akin at ngumiti siya sa akin.

"Hi Dana!" Napakunot ako ng noo, kilala niya pa rin ako. Pero hindi ko siya kilala. "Jax nga pala." Muli siyang ngumiti sa akin kaya napangiti na rin ako. "Hmm... papasok ka na sa work mo?"

"Oo." Maikli kong sagot sa kanya. Nakakapagtaka bakit kaya siya nagco-commute ngayon? Pagkatapos nun hindi na ulit kami nag-usap pa. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napatingin ako sa kanya. Kaya naman pala, kaya siya tahimik kasi nakatulog na siya. Biglang huminto ang jeep kaya naman napasandal ang ulo niya sa balikat ko. Gusto ko na sanang alisin ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko kasi mukha kaming magkasintahan sa pwesto namin ngayon pero dahil naawa ako sa kanya kasi mukhang antok na antok na talaga siya, hinayaan ko na lamang siya sa ganoong posisyon.

Malapit na ang restaurant na pinagta-trabahuhan ko kaya mahina kong tinapik-tapik ang pisngi niya para gisingin siya. Mabuti naman at nagising na siya. "Hala, sorry nakatulog ako. Pasensiya na talaga."

"Okay lang, bababa na kasi ako kaya ginising na kita." Pinara ko ang jeep at nagpaalam na ako kay Jax. "Sige Jax, una na ako. Ingat ka." Ngumiti ako sa kanya at bumaba na rin ako ng jeep. Habang naglalakad ako papunta sa restaurant nagulat ako nung mapansin kong parang may sumusunod sa akin, laking gulat ko nang nasa likuran ko na pala si Jax.

"Hmm. N-nagutom ako bigla kaya naisipan kong kumain muna dito." Ngumiti siya sa akin at dali-daling pumasok ng restaurant inunahan pa nga niya ako. Pero may napansin ako, parang namula ang pisngi niya o baka namalikmata lang ako. Napabuntong-hininga ako at napailing na lamang.

Pumunta agad ako sa staff's room para magpalit ng uniform ko. Habang kinukuha ko yung uniform ko sa locker naramdaman kong may kamay na umakbay sa akin. Nilingon ko siya at hindi na ako nagulat kasi si Dice lang naman ang mahilig umakbay sa akin. "Good evening. Na-miss kita." Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

"Agad-agad? Eh isang araw lang naman ang day off nating dalawa." Si Dice ay second year college na sa pasukan, Pharmacy student at scholar siya.

"Kahit na." Nag-pout pa siya.

"Wag kang mag-pout, hindi bagay sayo." Biro ko sa kanya.

"Psh. Oo na." Kunwari pang nagtampo ang isang 'to. Akala mo naman aamuin ko siya. Ahaha! "Nga pala, anong schedule mo?"

"Hindi ko matandaan eh." Hindi pa naman nags-start ang pasukan kaya hindi ko muna kinakabisado ang schedule ko.

"Sana pareho tayo ng araw na walang pasok." Bulong niya pero narinig ko rin.

"Ano ka ba!" Mahina ko siyang hinampas sa braso niya. "Schoolmate tayo so wala akong choice kasi makikita pa rin kita doon."

Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon