Chapter 3

3K 118 58
                                    

"Anong oras tayo uuwi?" Tanong ko kay Cade habang naglalakad-lakad kami dito sa mall.

"Kakarating lang natin tapos pag-uwi na agad ang iniisip mo. Wag mo namang ipahalatang ayaw mo akong makasama..." I look at him and I saw pain in his eyes. Wait... Masama ba yung sinabi ko? Nagtanong lang naman ako ah. Kasi may pasok pa ako mamayang 9PM.

"Sorry..." Sabi ko sa kanya.

"Don't be sorry." Cold niyang sabi sa akin. Sa sobrang pagka-cold pati ako nilalamig na rin. Nakakainis naman! Mas gusto ko pang magsungit siya kaysa maging cold eh. Hindi na ako nagsalita pa, ganoon din siya.

Sinundan ko na lang siya kung saan man siya pupunta. Pumasok siya sa isang bookstore. Shocks! Gusto kong bilhin lahat ng favorite novels ko dito. Kaso syempre wala akong pambili. Hays! Pag yumaman na lang ako tsaka na lang ako magco-collect ng mga novel. Nabasa ko na rin naman yung mga novel na nandito dahil yung library namin nung high school ay kumpleto ng latest novels. Kaso maganda pa rin kung may sarili kang mga novel, yung sayo talaga. Pangarap ko yun eh, magkaroon ng sariling bookshelf sa kwarto ko. Tapos mangongolekta ako ng favorite novels ko. Si Cade naman halos lahat ata ng novels sa bookshelf kinuha na at dumiretso sa counter. Seriously! Bibilhin niya lahat ng yun? Uwaahh! Sana pahiramin niya ako kahit isa lang nun o kung feel niyang maging mabait kahit isang araw lang ibigay niya na lang sa akin kahit isang novel lang. Ehehe. Kaso imposible naman yun. So hindi na ako aasa. Masakit kayang umaasa.

"Let's go." Cold na naman siya. Ano na naman bang nagawa ko? Kainis!

"Hmm. Sir Cade tulungan na po kita." Pag-aalok ko ng tulong baka sakaling bumalik na sa dati yung mood niya at hindi na siya maging cold pa.

"Okay. Thank you." Inabot niya sa akin yung lahat ng binili niya. Sh*t! Ang bigat pala. Nakita ko siyang ngumisi sa akin. Ano ba yan! Bakit pa kasi ako nag-alok ng tulong eh mukhang kayang-kaya naman niya ito. Teka... wait... ngumisi siya. Ibigsabihin lang non bumalik na siya sa dati. Mas okay na 'to kaysa naman sa pagiging cold niya. Ang lamig na nga dito sa mall, lalamigin pa ako lalo dahil sa kanya. Sinundan ko na lang ulit siya kahit bigat na bigat na ako dito sa mga novel na binili niya. Kaunting tiis na lang.

Ay sh*t! Natanggal pa yung pagkakasintas ng rubber shoes ko. Hay nako! Nang akmang uupo ako para ayusin yung sintas ng rubber shoes ko, may isang lalaking nakabunggo sa akin kaya na-out of balance ako at nalaglag yung mga novel na bitbit ko. Bakit ang malas ko ngayon?

"Sorry miss..." Inayos niya naman yung mga novel kaso nasira na yung paper bag na lalagyan nito, hala! Paano na?

"Hindi ka kasi---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Shocks! Si Quinn!!! Si Quinn yung nakabunggo sa akin! Waaahh!! Destiny na ba ito? Ano ba Dana! Dapat galit, dapat mainis ako pero shocks lang, kinikilig kaya ako!

"Sorry talaga miss..." Inayos ko na lang muna yung sintas ng rubber shoes ko. "Wait, you look familiar... Hmm. I knew it! Ikaw yung waitress sa restaurant kung saan kami dapat magkikita ng ex-girlfriend ko last night." Oh! Tanggap niya nang ex na lang niya yung sinabi niyang girlfriend na hihintayin niya at higit sa lahat natatandaan niya ako!

"Ehehe... ako nga 'yon." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya.

"By the way I'm Quinn and you are?" Oo alam kong Quinn ang pangalan mo! At ako? Sino ako? Ako lang naman ang babaeng mamahalin mo. Ahaha! Joke lang! Ang corny ko na. Ahaha! Sige na nga aaminin ko crush ko si Quinn. Oh! Crush ko lang siya ah.

"Hmm. I'm Dana." Ngumiti naman siya sa akin. "Nice meeting you again Quinn." At nakipag-shake hands ako sa kanya. Waahh! Okay lang naman sa aking huwag na niyang bitiwan pa ang kamay ko. Ehehe.

Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon