Chapter 6

2.3K 93 42
                                    

Lumipas ang mga araw at isang linggo na lamang ay magsisimula na ang pasukan namin. Sa mga araw na lumipas mas naging close kami ni Mr. 10PM, hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi mabubuo ang gabi ko kapag hindi siya nag-message. Nasanay na ako na tuwing sasapit ang 10 PM ay magme-message siya sa akin, iniisip ko nga kung paano na lang kami pag nagsimula na ang pasukan. Siguradong magiging busy siya at syempre ako rin.

Walang masyadong customer ngayon kaya nandito lang ako malapit sa pinto ng staff's room. Hinihintay ko kasing sumapit ang 10 PM.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan, may lakad ka ba?" Tanong sa akin ni Dice at umupo siya sa may tabi ko.

"Wala naman." Ngumiti ako sa kanya.

"Wala? Eh bakit kanina mo chinicheck yang phone mo?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin. "Ah okay, alam ko na. May hinihintay kang message?" Tumango na lang ako sa kanya. "Boyfriend?" Walang gana niyang tanong sa akin.

"Hala, hindi ah!" Medyo napalakas pa ang boses ko. "Kaibigan ko."

"Ah..." At nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Ilang linggo ka na rin kasing may ka-text, tama ba?" Umiling ako sa kanya.

"Hindi ko ka-text, ka-chat ko." Bakit parang nalungkot si Dice? "Dice...hmm... okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Baka kasi may problema ang isang 'to at baka may maitulong ako sa kanya.

"Okay lang ako pero yung puso ko hindi..." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Hala! Hindi raw okay yung puso niya.

"Teka may sakit ka ba?" Tinitigin ko siya sa kanyang mga mata.

"Wala, ito naman di mabiro. Okay lang ako." Tumayo siya at ginulo ang buhok ko. "Asikasuhin ko lang yung bagong customer." Nginitian ko na lang siya, pakiramdam ko talaga may problema siya, ayaw niya lang sabihin, pakiramdam ko rin hindi talaga siya okay. Bakit kasi minsan kailangan pa nating sabihin na okay tayo kahit ang totoo hindi naman talaga tayo okay.

Napatingin ako sa orasan. 10 PM na pala. Waaahh!!! 10 PM na! Dali-dali kong binuksan ang wattpad account ko.

secretlywaiting: hey! Miss me?

whenisaydanaaaa: Wow ha!

secretlywaiting: Wag ng mag-deny pa! Halata ka masyado eh.

whenisaydanaaaa: Anong halata?

secretlywaiting: Halatang na-miss mo ako.

whenisaydanaaaa: Hindi kaya!!!

secretlywaiting: Kaya pala ang bilis mong mag-reply. Hinihintay mo ako 'no?

whenisaydanaaaa: WAG KA NGANG ASSUMERO! HINDI KITA NA-MISS, HINDI KITA HINIHINTAY!

Namumula na ata ako ngayon. Kasi naman totoo yung mga sinabi niya eh, na-miss at hinihintay ko talaga siya. Teka! Waaahh! Gabi-gabi na nga kaming nagcha-chat pero nami-miss ko pa rin siya. Ano ba 'tong nararamdaman ko.

secretlywaiting: Aray naman! Talagang naka-capital lahat. Damang-dama ko tuloy :(((

secretlywaiting: Samantalang ako na-miss kita at hinihintay kong sumapit ang 10 PM

whenisaydanaaaa: eh bakit kasi tuwing 10 PM ka nagme-message sa akin.

secretlywaiting: para mas nakakakilig ;)

whenisaydanaaaa: Sino namang kinikilig?

secretlywaiting: Ako.

secretlywaiting: Ahahahahha!

Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon