Chapter Nineteen

1.5K 48 8
                                    

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko kaya napapikit ako dahil nakita kong may tumulo ulit na luha sa mga mata ni Nadine.

"Ginamit niya ang bestfriend ko."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya ng malakas.

"Hey, Crystal! Why did you do that?!" Sigaw ng isa kong classmate pero tinignan ko lang ng masama si Nadine.

"Dati pa lang, galit ka na kay Krista! Dati palang, Nadine!" Inilayo ako ng kaklase ko pero tinulak ko siya palayo at pinagpatuloy ko ang panduduro ko kay Nadine. "How dare you? Bakit? Bakit mo sinisiraan ang kapatid ko sakin?!"

"Hindi ko sinisiraan si Krista, Crystal!" Sigaw nya habang may mga luha parin sa mga mata niya. "Iyon ang totoo!"

"Kung talagang may gusto sakin si Aldein.. matagal na niya kong pinormahan. Pero hindi, diba? Just stop, Nadine." Umiling ako sakanya pagkasabi ko nun, kinagat niya 'yung ibabang labi niya at pumikit ng mariin.

"I'm not a liar--"

"Pero nagbabago ang isang tao kapag kinain na ng galit. Hindi ko maintindihan kung bakit galit ka sa kakambal ko. Nadine, kakambal ko 'yun. At sumosobra ka na." Kinuha ko 'yung bag ko para makaalis na sa lugar na 'yun.

If losing my bestfriend would solve this shit, then I will. Hindi ko alam kung bakit ba nagkakagulo dahil kay Aldein, hindi ko naman siya gusto.

"Crystal.." Napahinto ako sa paglalakad dahil may sumalubong sakin, iniangat ko ang tingin ko at nakita ko si Dylan na nakatitig sakin.

"Nasa loob si Nadine." Sagot ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad dahil gusto ko ng makauwi, pero hinawakan ako ni Dylan sa braso.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Walang nangyari, Dylan. Bitawan mo ko." Sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko pero hindi niya ko binitawan kaya marahas kong inalis 'yun.

"Crystal, naman--"

"Not now." Pumara ako ng taxi dahil gusto ko na talagang umuwi.

Mabilis akong hinatak ni Dylan at tinignan ng masama. "Ayokong mangielam, pero--"

"Nangingielam ka na. Bitawan mo ko--"

"Crystal.." Nilingon ko si Nadine na umiiyak parin. Sinundan pa talaga niya ko?

Narinig kong bumugtong hininga si Dylan tsaka sya umatras palayo samin. Tinaasan ko ng kilay si Nadine dahil di ko maintindihan kung bakit sya umiiyak. Siya ang nanira ng tao pero siya 'yung umiiyak?

"Makinig ka naman sakin, o." Pagmamakaawa ni Nadine sakin.

"Bakit? Bakit ako makikinig? Si Krista ang pinaguusapan dito. Ngayon, kung hindi mo kayang tanggapin ang kapatid ko at magsasalita ka ng mga masasamang salita sakanya, lumayo ka sakin." Nagulat siya sa sinabi ko, sinubukan niya kong lapitan pero sumakay na ko sa taxi na pinara ko kanina para makauwi na. Walang kwentang kaibigan.

"Ate?" Tawag sakin ni Krista pagkapasok ko sa bahay.

"Bakit?" Tanong ko habang hinuhubad ang sapatos ko.

"Aldein called...." Umirap na agad ako dahil sa sinabi niya. "Ate, anong nangyari? Di raw kayo nagkaintindihan ni Nadine. Bakit?" Nagaalala niyang tanong sakin. Hinawakan niya agad 'yung kamay ko kaya bumaling ako sakanya.

Hindi ako naniniwalang gagamitin ako ng kapatid ko, hindi sya ganun. Ang sakit kasi na galing pa sa matalik kong kaibigan 'yung mga salita na 'yun. Hindi ako tanga, hindi ako manhid. Kapatid ko si Krista, ako na ang kasama niya simula bata. Alam kong hindi niya magagawa 'yun.

Hinawakan ko yung pisngi niya at ngumiti. "Simple fight lang, wala 'to. Matulog ka na, gabi na. Bukas na tayo magkwentuhan ha?" Ayaw niyang bitawan 'yung kamay ko kaya ako na mismo ang bumawi nun para makaakyat na ko.

Nakita kong tinatawagan ako nila Aldein pero hinayaan ko lang. I want to take a rest. Tigilan nila kong lahat.

**

"Saan nyo gustong mag-outing?" Nakangiting tanong ni Mommy samin ni Krista.

"Mommy, baka asikasuhin ko po 'yung mga kailangan, mageenroll na po kasi ako." Sabi ko sakanya, ngumiti sya at bumaling kay Krista.

"Sasama po ako kay Ate," nakangiting sabi ng kakambal ko.

Nalaman ko na pati pala sya ay nakapasok sa school na gusto ko kaya masaya ako. Hindi mahihiwalay sakin ang kapatid ko.

Nagsimula na kong mag-bihis pagkatapos kong maligo.

"Ate," tawag ni Krista kaya binuksan ko ang pintuan ng kwarto at pinapasok sya.

"Tapos ka na ba? Sorry, a. Magaayos lang ako tapos aalis na tayo," sabi ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Lumapit sya sakin at sinimulan nyang i-braid yung gilid ng buhok ko.

"Ang tagal nyo ng may alitan ni Nadine, hindi parin ba kayo ayos?" Tanong nya sakin. Tinignan ko ang replesksyon nya sa salamin at doon ko napansin na malungkot sya. Hinawakan ko ang kamay nya para tumingi sya sakin.

"Iniisip mo bang ikaw ang dahilan?" Tanong ko. Tumango naman sya kaya binato ko sya clip na maliit. "Ang assuming mo." Sabi ko habang tumatawa pero ngumuso lang sya sakin.

"Hindi mo kasalanan," sabi ko sakanya. "Wala kang kasalanan, kaya hayaan mo na muna kami ha?" Dugtong ko pa.

"Nagkasalubong kami sa school nung kinuha ko yung grades ko. Ate.."

"Tara na?" Tumayo kaagad ako at ngumiti sakanya. Bumugtong hininga sya at tumango na lang. Sumunod sya sakin palabas ng kwarto hanggang makalabas na kami ng bahay.

Sumakay kami sa taxi papunta sa pageenrollan namin kaya nakaramdam ako ng saya. This is my dream school! Finally makakapasok na ko dito! Yes!

"Crystaaaaal!" Lumingon ako sa tumawag sakin, halos lumundag yung puso ko nang nakita ko si Dylan na kumakaway sakin, katabi si Aldein na nakangiti sakin.

"Tara, Krista!" Sigaw ko sa kapatid ko at hinatak sya papunta sa mga kaibigan ko.

"Hi Krista." Bati ni Dylan sakanya.

"He-hello." Nahihiya nyang bati kaya natawa ako. Tinaasan ko ng kilay si Aldein pero tinaasan nya lang din ako ng kilay.

Tinignan ko sya ng masama pero hindi man lang sya natinag dahil hindi nya iniwas ang mga titig nya sakin.

"Namiss kita." Bulong nya pagkahatak nya sakin. Nanlaki 'yung mga mata ko sa ginawa nya. Naramdaman ko yung hawak ni Krista sakin na dahan-dahan lumuluwag.

Gusto kong itulak si Aldein palayo pero hindi ko naman magawa dahil... namiss ko rin sya at masaya ako na nakayakap sya sakin ngayon.

"Namiss din kita," bulong ko habang tumitibok ng sobrang bilis yung puso ko.

Ugh. This is driving me crazy.

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon