Inilapag ni Dylan ang mga binili nyang pagkain para sa'min sa lamesang napili ko. Halos nasa sulok ito at hindi natatanaw sila Aldein at Krista.
"Nakita ko si Aldein kanina, a?" Sabi nya habang ibinibigay sa'kin ang kutsara't tinidor.
"Yup. He's with Krista," sagot ko sakanya.
"Kaya nga dito na lang kita inaya kumain para simpleng kainin lang. Hindi ko naman na hanggang dito hahabulin ka ng kapatid mo," sabi nya sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ever heard of the word coincidence?" Nag-kibit balikat lang sya at nagsimula ng kumain.
Pinagmasdan ko muna ang pagkain ko bago ako nagsimulang ngumuya.
Aldein and Krista. This is what I've been waiting for pero bakit..
"Tapos ka na kaagad?" Tinignan ko si Dylan na ngumunguya at nakataas ang kilay sa'kin.
I.. can't hide it anymore. Isang taon na silang nagde-date. I should stop thinking about them, but I can't.
"May inisip lang. OA mo naman," nagpatuloy ako sa pagkain kahit na lumilipad ang isip ko.
No. Hindi ko sila pwedeng isipin. Bwisit naman, Crystal! May presentation kang dapat isipin!
"Aldein?" Nabitawan ko ang kutsara ko at tinignan ko si Dylan na nakatingin sa gilid at umiinom ng tubig.
"Ha?"
"Alam mo bang.. sa tuwing tinatago mo ang nararamdaman mo para sa isang tao, mas lalong lumalalim 'yun?" Tanong niya sa'kin. Ibinaba niya ang baso niya at tinignan ako ng diretso sa mga mata.
I thought we're over this?
"Nilayuan mo si Nadine dahil dito, hindi ba? Natatakot kang mapatunayan mong tama sya?" Mahinahon nyang tanong.
"Dy." Madiin kong tawag sakanya pero hindi sya nagpatinag.
"Nilayuan mo si Aldein at Krista dahil--"
"Wala kang alam," mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko at saka ko sya iniwang kumakain doon. Shit. Alam kong pambabastos ang talikuran ang pagkain pero sa tingin ko.. kung magtatagal pa ko doon ay hindi ko na kakayaning makaalis. Ramdam na ramdam kong nanginginig ang mga tuhod ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makabalik ako sa music room.
Pumikit ako at huminga ng malalim. This is too much. Paano ko iiwasang isipin ang isang bagay kung palagi nilang pinapaalala?
Lumapit ako sa piano at nagsimulang tumugtog. This is where I belong. Music can refresh my mind. Hinayaan ko ang sarili kong tumugtog ng isang malungkot na kanta. Wishing na pagkatapos nito ay gumaan na ang pakiramdam ko.
I can still remember it. Yung saya ni Krista nung sinabi nya sa'kin na inaaya sya ni Aldein sa sinehan. Yung saya sa mukha nya na gustung-gusto kong makita, pero noong nakita ko na.. para akong dinurog.
"Crystal," nilingon ko si Aldein na hinihingal. Nasa pinto sya at nakatingin sa'kin.
"A-Aldein?" Tanong ko. "K-kanina ka pa?"
"Nope," sagot nya at pumasok sa music room. Pinagmasdan nya ang mukha ko kaya iniiwas ko ang tingin ko.
Hinayaan ko siyang sumandal sa gilid ng grand piano habang namimili ako ng isang piece na tutugtugin.
"How are you?" Itinigil ko ang pagbabasa at iniangat ko sakanya ang tingin ko.
"Fine." Sagot ko. Why are we having this conversation again? No.. what is he doing here?
BINABASA MO ANG
Should I Say Goodbye?
Roman pour Adolescents•Book One• You can't have it all, ika nga nila. Isang perpektong pamilya. Mapagmahal na mga kaibigan at isang mabait na kakambal. Sa sobrang pagmamahal ni Crystal sa kakambal nya ay kakayanin niyang ibigay lahat, sumaya lang ito. Ngunit makakaya ba...