Epilogue

3.1K 65 12
                                    

Inabutan ako ni Nadine ng isang tuwalya at isang pares ng pajama. Inilapag niya rin ang plastik na ang alam ko ay ang binili niyang undergarments ko habang tulala pa rin ako dito sa loob ng kwarto niya.

Nang tumahan na ko kanina sa ulanan ay napag-desisyunan niya na ihatid ako sa bahay pero hindi ko siya hinayaan.

"Ayoko,"

"Anong ayaw mo? Ayaw mong umuwi? Tara na para makapag-palit ka na, Crystal," patuloy ang pag-iling ko kahit na hinahatak na niya ko papasok sa sundo niya. "Crys.."

"A-ayokong umuwi, Nadine," sabi ko sakanya. Nanikip ulit ang dibdib ko at namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko kayang umuwi. Hindi ko kayang harapin si Krista. Naiisip ko palang 'yung itsura nya nung umalis si Aldein kanina sa court para sundan ako ay nahihirapan na ko.

"Crystal.."

"Hindi ko kayang makita si Krista, Nadine, please.. ayokong umuwi," hinawakan ni Nadine ang magkabilang pisngi ko at marahan na pinunasan ang mga luhang lumandas.

"Shh, dadalhin muna kita sa bahay. Hwag ka ng umiyak. Sumakay ka na sa kotse at uuwi na tayo," niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang ilang taon na wala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay na walang umaalalay sa'kin. Madalas ko siyang makita sa hallway pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin kapag magkakasalubong kami. Minsan nga hindi ko na maalala kung bakit ba kami nag-away, 'yung gusto ko na lang siyang lapitan at tanungin kung anong nangyari sa'ming dalawa, pero hindi ko magawa. Kasi alam kong kasalanan ko. Nag-away kami dahil sa kagagawan ko. Masyado akong natakot sa katotohanan.

"Crystal, ano na? Wala kang balak magbihis?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Nadine.

"Ha? Sorry! Anong sabi mo?" Umirap siya sa ere at tinuro 'yung mga damit sa gilid ko. Tumango kaagad ako at dumiretso sa banyo ng kwarto niya. Naligo ako doon ng mabilis at nagbihis na sa loob ng banyo.

Lumabas ako sa banyo nang nakita ko si Nadine na nakatingin sa cellphone kong umiilaw at tumutunog.

"Your sister is calling you, Crys," sabi niya bago siya tumayo at naglakad papunta sa banyo.

"Nadine.." Tawag ko sakanya nang nalagpasan niya ko.

I know my bestfriend. Marami siyang sinasabi, palagi siyang mataray at nangaaway, pero alam kong kahit kailan hindi siya magsisinungaling sa'kin. Kaya ngayong gabi, gusto ko na klaruhin lahat.

"Hmmm?" Humarap ako sakanya at tinignan niya ko ng nakakunot ang noo niya.

"I want to ask you something," sabi ko sakanya. Huminga siya ng malalim at tinignan ako ng diretso sa mga mata. Para bang alam na niya kung ano ang itatanong ko.

"Crystal, kalimutan mo na 'yung mga sinabi ko dati. Kakabati lang natin, well I don't know kung pagbabati na 'to, pero basta 'yun na 'yun. Ayokong masira ang araw na 'to dahil doon." Ngumiti siya sa'kin at isinabit niya sa balikat niya ang twalya niya. "Humiga ka na sa kama, magpahinga ka na."

Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi kita aawayin, Nadine." Sabi ko sakanya. "Gusto ko lang malaman ang totoo," kinagat niya ang labi niya at tumingin sa kama niya kung saan patuloy na nagri-ring ang cellphone ko.

"Then ask me," sabi niya.

"Totoo ba?" Tanong ko sakanya. "Lahat ng sinabi mo dati, totoo ba?" Ibinalik niya sa'kin ang tingin niya at binigyan niya ko ng isang malungkot ng ngiti.

"God knows how I want you to be my sister, Crystal. Alam niya kung gaano kita kamahal bilang kaibigan ko, and I'm sorry. Sorry because I hurt you, but yes." Sabi niya sa'kin, "Ayokong mangielam. Ayokong makisali kasi kapatid mo 'yun at mahalaga rin siya sa'kin. For God's sake, she's your twin sister."

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon