Chapter Four

2.7K 77 6
                                    

**

"ANO?!" Sigaw ni Nadine, nasa classroom kami pero walang teacher dahil may meeting sila about sa Event. "CRYSTAL ANO BA!" 

"Anong ano ba? I've made up my mind." Sabi ko sakanya at umupo sa desk nya tapos tumingin ako sa bintana. Pinapanood ko na lang yung mga nagma-marathon sa track and field.

"No Crystal! It's your last chance! Ito lang ang way mo para makapasok ka sa University na pinapangarap natin nila Dylan! No! Don't tell me hindi ka na rin sasama samin!" Sigaw nya samin, nasa gilid ko sya at nakapamewang. 

"I don't know." sabi ko.

"CRYSTAL SUNOHARA! LOOK AT ME YOU DUMB@SS!" Sigaw nya. Bumugtong hininga ako at lumingon sakanya, nakita kong naluluha na siya. 

May isang university kaming gustong pasukan. Gusto namin dun, diba nasabi ko nang nagpe-perform na si Nadine simula Grade 6? Tanggap na sya dun kahit di sya mag-entrance exam.

Diba dating player ng basketball si Dylan at Aldein? Tanggap narin sila. Ako na lang ang hindi. 

Isang university na tutulong sakin sa pagtupad ng pangarap ko, there's just 30% chance na makakapasa ako dun gamit ang entrance exam. International school for college. 30% lang ang chance ko, diba nasabi ko na mahina ako sa english? Well sorry to say, medyo mahina lang talaga ang utak ko sa acad. Hinakot ata ni Krista nung nasa womb palang kami ni Mommy. Kaya imposibleng maka-pasok ako dun.

"Nads.." Sabi ko sakanya. "Try to understand." Sabi ko.

"No! I can't! I won't! Iisipin ko na hindi ko kasama ang bestfriend ko sa university na matagal na naming pinaguusapan?! Crystal naman!" Sigaw niya.

"Shh, lower down your voice, baka may makarinig sayo." Sabi ko. Umiling naman si Nadine at sinipa yung upuan sa tabi nya.

"Alam mo.. kaya ko pang tanggapin na di tayo magkakasama sa isang university. Best friends parin naman tayo kahit anong mangyari." Sabi nya, alam kong pinapakalma nya yung sarili nya. Tinignan ko sya sa mga mata nya at kitang-kita kong naiinis sya sakin na nagagalit.

"Pero yung bitawan mo yung pangarap mo dahil lang sa kapatid mo?! Crystal, hindi naman ata pwede yun!" sigaw nya sakin. "Nang dahil na lang palagi kay Krista! Palagi ka na lang nawawalan! Nakakainis na! Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw nya tsaka sya tumakbo paalis ng classroom. 

"Nadine!" Sigaw ko pero hindi nya ko pinansin, tumakbo narin ako palabas at nakita kong nakasandal si Aldein at Dylan sa pader ng classroom namin.

"I'll follow her." Sabi ni Dylan, nagulat ako ng matunugan kong ang lamig ng boses nya. Senyales na galit sya.

"Dylan--"

"Save it Crystal." Pagsabi nya nun umalis narin siya. Kinagat ko yung ibabang labi ko at hinayaan na tumulo yung luha ko.

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon