"Mage-enroll kayo?" Tanong ni Dylan nung sya naman 'yung niyakap ko ng mahigpit.
"Namiss kita, Dyyyy!" Tili ko pero tinawanan niya lang ako at tinaasan ng kilay. "Aba, walang yakap?" Tanong ko.
"Wala, kasi inuna mong yakapin si Aldein," Pagsusungit niya sakin. Natawa ako ng malakas kaya hinampas ko siya ng bag ko.
"Aldein hugged me first, noh!" Inirapan ko siya at nilingon ko na ang kakambal kong tahimik sa gilid. "Oo, mage-enroll kami ni Krista. Tapos na ba kayo?" Tanong ko.
"Yeah, actually hinihintay na lang namin si Nadine," Mabilis na tumingin sakin si Krista tsaka sya ngumiti pero tinaasan ko lang siya ng kilay at hinawakan na sa kamay.
"Okaaay, mauuna na kami ha? May lakad pa kasi kami mamaya kaya kailangan na naming umalis," Masaya kong sabi kay Aldein at Dylan. Parehong nawala 'yung ngiti nila at tinignan lang ako. Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin nila dahil hinatak ko na paalis si Krista.
"Ate,"
"Sorry, Krista. Gusto kong mag-stay doon para sana magkausap kayo ni Aldein pero ayoko naman na ikaw ang kukulitin nila about samin ni Nadine," Nilingon ko pa sya pagkasabi nun. Nakita kong tahimik lang din siya at hinayaan akong hilahin siya. "Krista.."
"Wala naman sakin kung hindi kami nakapag-usap ni Aldein." Mahina niyang sabi. "Hindi lang ako sanay na hindi kayo naguusap ni Nadine dahil sakin." Kumunot 'yung noo ko sa sinabi niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi naman dahil sa'yo--"
"Doon 'yung building ng institute ko, Ate." Ngumiti siya pagkasabi niya nun, inalis niya 'yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya at umalis na papunta doon sa sinasabi niyang building.
Huminga na lang ako ng malalim at naglakad na papunta sa building para sa course ko.
Aldein:
Nasan ka?
Crystal:
Papunta sa building ko?
Nag-ring yung cellphone ko pagkatapos kong i-send 'yung reply ko. Ano nanamang kabaliwan ni Aldein 'to?
[San ka banda?] Tanong niya sakin, tinignan ko 'yung paligid at sinabi kung nasaan ako.
"Sa may quadrangle? Pupunta nga kasi ako sa building ko." Sabi ko sakanya.
[Samahan na kita, hintayin mo ko diyan.]
"Ayoko nga! Ang init kaya dito!" Reklamo ko sakanya.
[Edi pumunta ka sa lilim, arte mong payatot ka] Itinaas ko ang kilay ko kahit hindi naman niya nakikita, pero pumunta na ko sa lilim. Ay nako!
BINABASA MO ANG
Should I Say Goodbye?
Novela Juvenil•Book One• You can't have it all, ika nga nila. Isang perpektong pamilya. Mapagmahal na mga kaibigan at isang mabait na kakambal. Sa sobrang pagmamahal ni Crystal sa kakambal nya ay kakayanin niyang ibigay lahat, sumaya lang ito. Ngunit makakaya ba...