EPILOGUE

898 32 21
                                    

EPILOGUE

"If you love something, let it go. If it comes back to you, it's yours. If not, it's never meant to be in the first place."

Lahat ng bundok ay may tuktok.

Lahat ng ilog ay may hangganan.

Lahat ng bagay ay may sukdulan. 

Lahat ng storya ay may katapusan.

Pero ang pagmamahal ko sa kanya...

Hindi mawawala at hindi matutumbasan.

Wala man akong ideya kung nasaan sya ngayon, patuloy ko pa din syang mamahalin. Bumalik man ang mga nawala kong alaala. Pero kahit hindi man bumalik ang mga iyon, kaya ko pa ding mahalin at patawarin si Lee Dong Hae ng walang hinihinging kapalit.

-Flashback to the week after the wedding-

“Kyaaaaaaaaaa~!!”

“Super Junior is the best!!!”

“’Ma, ‘Pa, pupuntahan ko lang po si Aiden sa backstage.”

“Sige, anak. Rhin, samahan mo ang ate mo.”

“Sige po. Tara, ate?”

Nagpunta ang dalawa sa backstage ng Seoul stadium para puntahan si Dong Hae dahil nag-text ito kay Daphne na maaaring pumunta si Daphne sa backstage habang wala pa ang ibang members ng Super Junior.

“Oppa… You were great back there.”

“Uh… Thanks, Yoong.”

Nasaksihan nina Daphne at Rhin ang yakapan sa pagitan nina Dong Hae at Yoon Ah. Lalapit na sana si Daphne ngunit biglang hinalikan ni Yoon Ah si Dong Hae na ikinabigla din naman ng asawa nya.

Imbis na sugurin ang dalawa ay pinili na lamang ni Daphne na tumakbo palayo upang hindi na masaksihan pa ang ka-sweet-an ng dalawang artist.

“Ate, wait lang!” Habol ni Rhin sa ate nya na nagtatakbo palabas ng stadium.

*pipeeeeeeeeep!!!!!!*

“ATEEE!!!”

*blaaag-craaaaash!*

-End of Flashback-

Nasaktan nya ako. Pinatawad ko sya dahil alam kong hindi nya sinasadya 'yun. Umamin sya sa akin na hindi nya ginusto ‘yun. Nasaktan ko sya, pero alam kong kaya nya din akong patawarin. Ang tanging walang kasiguraduhan ngayon ay kung ano ang mangyayari sa sikretong storya ng pagmamahal ko sa kanya. Ayokong sabihing mahal nya din ako dahil hindi ako sigurado kung totoo pa din yan hanggang ngayon. Hindi ko na hihilingin na mahalin nya ako at bumalik sya sa akin. Sinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang na hindi na sya bumalik sa akin... Syempre gusto ko. Pero MAS mahalaga sa akin na masaya sya kung saan man sya naroroon.

Limang taon na din ang nakakaraan simula nang huli ko syang makita. G-um-raduate ako nang may maayos na marka. Hinihiling ko noon na sana pumunta sya... pero syempre alam ko namang imposible dahil busy sya. At saka hindi ko naman sya inimbita. Malamang hindi nya alam na nairaos ko ang College ko kahit na medyo masalimuot. Ang mahalaga ay ipinagpapatuloy ko ang mga pangarap ko tulad ng gusto nya.

Sinisikap kong tapusin ang Bachelor in Medicine and Surgery ko para maging ganap na Doktor tulad ng gusto naming dalwa. Isang taon pa sa ospital at matatapos ko din ito! Sabi nga nya, "I will be happy if you were able to achieve your dream. Surpass all the obstacles. I will strive beside you so let's reach our goals together because we will meet again someday." Narinig ko lang 'yan sa isa sa performances nila, sinabi nya 'yan. Hindi ko alam kung para sa akin, pero gusto ko pa ding tuparin 'yun.

My Secret Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon