"Ayiee! Ang galing mong magpiano! Ang gwapo mo, Clarence!!"
"Pa-picture naman oh? Please??"
"Pa-sign naman dito, Clarence? Malapit na graduation eh.. Sige na?"
~Psh. Eh di siya na. Eh 'di meow! Ang ingay eh, kaasar!
"Clarence, pahingi naman ng number mo?"
"Please, let's be friends naman.. Name ko pala sa FB is *hsncddgfeyebdjdssd*"
~At tinakpan ko na ang tenga ko with my life-saving earphone mula sa nakakarinding ingay sa paligid ko. Makapagsoundtrip na nga lang.
Ang ingay kasi sa canteen eh, nandito lang naman ang lahat ng tao dahil sa dalawang kadahilanan (ayon sa aking lutang na utak... Wow, himala!! Nagpafunction pa pala si Brain! *standing ovation*) Una, binigyan muna kami ng time para mag-break. Graduation practice kasi namin ngayon. Three days na lang, graduation na namin!!! Bwahahaha, salamat naman! Hindi na tuluyang masisira ang tenga ko. At pangalawa, nagkakagulo ang mga fangirls at fan gays ni Clarence Espina, ang pianist ng school namin.
Okay, first of all, gwapo siya. Matangkad siya, siguro 6 feet and above ang height kung hindi ako nagkakamali, matalino siya kasi from section A siya with matching eye glasses pa ito kaya baka nerd din siya. Singkit siya, ang sabi nga nila, yung mga mata niya ang pinakamagandang feature sa face nito. At ang pinakakinahumalingan ng lahat: yung talent niya sa pagpapiano. No doubt, that was really great and awesome. Isa siyang idol sa school, ikanga nila. Ngayon lang din namin nalaman ang talent nito, bago recruit ata? Ay, ewan.
Kaya ganun na lang ang paghanga ng schoolmates namin sa kanya. Oh sige na. Pero, ewan ko eh? Abnormal na yata ako, kasi ako na lang ata ang hindi nagkaka-crush dito. Eh ano naman? I don't care. Ewan eh, madali kaya akong mafall? Charr, di rin! I mean mabilis kaya akong naging adik kay Bi Rain, yung pinakaastig sa lahat ng naging crush ko! Bwahaha, landi ano?!! (A/N: Sorry po, naienter na naman ng author ang asawa niya. Humihingi po ako ng kapatawaran sa kanyang di magandang ikinikilos ngayon. Mianhae^^) Sadyang hindi lang siguro ako tinablan ng charisma niya. Atsaka, parang mayabang ang dating niya eh?
NP: Bi Rain- Marilyn Monroe (listen to this song in the media. Love this, men! hahaha!)
Aish, naririnig ko pa rin yung ingay eh! Makalabas na nga lang ng canteen, ang sikip at depressed area na dun kung dadagdag pa ako eh. Dito ko na lang hinatyin sila -----. Oo nga pala, nasaan na yung dalawa?? Hay naku, huwag nilang sabihing pati sila ay napasama na sa pederasyon ng fansclub ni Clarence ah?! Pag-uuntugin ko silang dalawa diyan eh, isama pa natin si Clarence para masaya! Bwahahahaha!!~
"Hoy, nandito na kami!" and speaking of. Infairness lang, nasense yata nila ang naiisip ko. In chorus pa huh? Talaga lang.
Si Melvin at Edna nga po pala, mga bestfriends ko na lovebirds. Kanina ko pa sila hinihintay eh! By the way po pala, my name is Bella Calledo. Peace! xP
"Yun oh! Nakabili rin sila! Akala ko nakalimutan ninyo na ako eh.." napanguso ako pagkasabi ko nun habang nagtatanggal ng earphone. Asus, naghahanap lang sila ng time na silang dalawa lang eh. Nakaka-OP tuloy. Aish, chorus na ako eh! Mamaya na nga lang :3
"Sorry naman po, ang sikip kaya dun? Ang init na nga, ang hirap pang makabili ng pagkain. Ito pala, hamburger at coke mo." sabay abot ni Melvin sa akin ng pinamili nila.
"Oo nga pala, bakit ka lumabas? Dun ka namin iniwan ah??" sabi naman ni Edna. Leshe, ano naman ang akala nila sa'kin, anak nila na hindi pwedeng umalis sa pinag-iwanan nila? Psh. >.<
BINABASA MO ANG
The School's Pianist Loves... ME??! (BiKyo FanFic)
Cerita PendekIn every school or educational institution, meron at merong common and popular ones in their different fields. Sa pinakabusy na kaganapan dito called graduation practice maipapamalas ng isang babaeng commoner ang pangarap niyang ipakita ang kanyang...