*Graduation practice*
"Ahmm.. Tinatawagan po si Bella --dhsgsaed" tawag ni Clarence sa stage. Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya kasi ang ingay na naman ng fansclub niya.
Pero bakit ganun? Wala pang pumupunta sa stage. Mga 5 minutes na yata ah? Bakit kaya? Coincidence ahead pa, kapangalan ko yung tinawag eh? Kumu-quota na yang Bella ah, kanina pa! xD
Inaayos pa lang kasi ng banda ng school yung mga gamit nila nung tumawag siya, kaya inulit niya kasi nga wala pang dumating. Nasaan ba kasi yung tinatawag nila?
"Miss Bella Calledo from IV-E, please come here. You'll be singing the song You Can Do It. Sorry for the late announcement." at diretso pa ang tingin ni Clarence sa'kin na nakangiti. Nagtitinginan na rin halos lahat ng mga schoolmates namin. Ano? Ako raw? o.o
"Hoy, ikaw daw! Aja!!" sabay kurot ni Edna sa tagiliran ko. Ang sakit ah!!
Psh.. AKO PALA EH!! ANG TIMANG KO TALAGA. Ang bingi ko na! Mabungkal na nga ang tenga kong may minahan na pag-uwi sa bahay! Nakakahiya tuloy.. =_="v
Agad na akong pumunta ng stage. Yung iba naman, makatingin wagas!! Malamang mga fans 'to ni Clarence! Ako pa talagang pagseselosan? Yung totoo! Tinawag lang naman ah? Yung mga classmates ko naman, sobra makapagcheer! Hehehe, nakakaflatter naman! Gagawin ko ito para sa pinakamamahal kong section! Boom! *u*
Pagpunta ko dun ay nag-hello agad sa'kin si Clarence na... Err.. Nagba-blush?? Syempre nag-hello din ako, pero ewan ko, bakit ganun? Habang nakikita ko siyang namumula, parang nakuryente ako? Teka... Kinikilig ba ako?? Wake up, Bella! Lutang ka pa rin, huwag na nga munang lumandi, okay? Kailangan kong gawin ang job ko rito! Aja!!~ \m/
"Ahmmm, ano pong kakantahin ko?" nakalimutan ko yung sinabi niya kanina eh. Ikaw na Bella, ang laki mong bingi!
"A-ano po... Y-yung You Can D-do It.." ewan ko dito! Bakit siya nauutal, hindi pa siya makatingin sa'kin? Eh kanina lang, ang diretso ng tingin eh? Hay.
"Then awkward silence... A minute or two yata? *cricket sound*
"Oh, ito po yung mic! Start na tayo!" hala? Problema niya? Ngayon naman sinisimangutan na ako at bigla na lang ibinigay yung mic! Tapos parang hindi niya alam ang gagawin at natataranta?
"Okay!" sarcastic ko ring sagot! Kanina ang bait-bait niya tapos ngayon.. Bahala na nga, matapos nga ito! :|
Mag-uumpisa pa lang ako sa pagkanta nang dumating ang super duper ultra mega cute dog ng school principal, si Bingo! At ngayon ay nasa stage siya! Sanay na ang lahat ng estudyante dito, ang cute niya kasi at mabait eh! Siya talaga crush ko dito eh! xD
"Hi Bingo!! Ang cute-cute mo talaga!!" sabay tap ko sa ulo nito. May inaayos pa yung banda eh, sabi saglit lang daw. Na-destruct tuloy ako! Sabay...
.
.
.
.
"WAAHHHH!!! EEEEKK!!!! HEEELPPP!!"
AISH!! PURE AISH!!! Ang tanga at lampa ko rin kasi eh! Naitulak ako ni Bingo kaya napalapit ako sa dulo ng stage na muntik ko nang ikahulog. Wala akong makapitan!! Naipikit ko na lang yung mga mata ko. Ang lalim din kasi pababa kaya ang ending ay... magkakabali-bali ang katawan ko! My end is near, ajujuju!!~ T3T
Naririnig ko rin ang sigawan ng mga kapwa ko estudyante na nabigla sa nangyari. Pero... ang weird lang. Bakit hindi ko naramdamang lumagapak ako sa baba? Parang may... sumalo sa likod ko?? Teka, sino 'to? o.o
"Okay ka lang ba?" uh oh... Si Clarence pala ang nagligtas sa'kin! Nakita ko ang sarili kong napahawak pala sa mga braso niya. Nagkatinginan kami ng ilang minuto. Ngayon ko lang napansin na... ang ganda nga ng mga singkit niyang mata... Ngayon ko lang narealize na... nakaka-in love nga siya...
Agad niya akong tinulungang tumayo nang maayos at inalalayan ako papunta sa mga kabanda niya. Alalang-alala siya ngayon!! Ang landi mo rin talaga Bella, sino ba namang hindi mag-aalala diyan sa katangahan mo eh nasa bingit ka na ng kamatayan. Tapos ang assuming mo pa? Yung totoo??! Psh. -.-
Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil naghahabol pa rin ako ng hininga! Kaasar, akala ko katapusan ko na! LANDI ALERT: Namumula na naman si Clarence. Lalo ko tuloy napapatunayan sa sarili ko na.. ang gwapo niya nga sa malapitan. Ang lapit-lapit na kasi namin.. Kyaah, hindi lang yata ako nahulog sa stage. Bakit parang nahuhulog din ako.. para sa kanya?? Haay, erase erase!! Ilusyonada ko na. =_="
Bigla siyang nagmamadaling tumakbo. Ako naman, tulala at pinapaypayan ng ibang kagrupo niya. Nagpakilala na rin sila at siniguradong ayos lang talaga ako. Wala namang nangyaring pagbabago sa'kin eh, bumilis lang talaga yung tibok ng puso ko. Eeehh!! Enebeyen!!~ -_-"
Anyare?? Kanina lang, ang sabi ko okay lang naman si Clarence na hangaan eh.. Pero hindi ko talaga inakalang tatablan ako ng charisma niya.. Sheeshh!! o.o"
"Tubig oh... Huwag ka kasing mahulog sa stage. Dapat kasi sa'kin eh.." sabi niya pagkatapos iabot ang bottled water na binili nang hindi na naman nakatingin sa'kin. Nagulat kaming lahat nang marinig yun, at maging siya mismo. Kaya mabilis siyang nagpunta sa piano, ang kanyang ultimate secret weapon!! Bwahahaha, joke!! Peace! ^_^v
"Eh?" ano bang pinagsasasabi niya? Maang-maangan effect din yung mga kagrupo niya.. Psh, kanina pa siya may moodswings ah! Problema niya?!
Ako? Mahuhulog? Saan daw? Aish, ang laking bingi ko na talaga! Bakit ganun? Yung pagka-popular ng image niya, parang naglaho? Parang naging batang sipunin, este mahiyain na siya? O feeling ko lang yun? Hay, in your dreams, Bella! Tama na, back to business na nga! =,=
~In every effort you give, there's always struggles behind,
It makes you nervous, with cold sweats and confusion stuck in mind...~
At nagsimula na ako sa pagkanta. Sumasabay naman nang maayos ang mga kabatchmates ko. Nasa tabi ko ang pianist na kasalukuyang tumutugtog ngayon. Kahit kumakanta ako, parang ang awkward din kasi nga 'di ba... err, nakakahiya talaga!! Kainis, tapos in public pa yung epic fail kanina! Not just once, but twice akong napahiya sa kanya, no, sa lahat, today!! Ay oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya! Mamaya na nga lang...
Kairita talaga! Bakit bumilis na naman yung tibok ng puso ko?!! Arghhh, umaabnormal din eh!! Kasi naman... ngayon ko lang narealize na... nakakainlove pala talaga siya... Lalo pa pag nag-piano na siya... :3 =.=
~You can do it, always remember that God will be searching,
For the best ways and steps for your aims, they will be worth winning...~
Yes, last line na ng kanta!! Grabe ah, nakakapagod din palang kumanta dito eh!! Tapos nakakatense kasi.. kasi katabi ko pa siya... Nakakatense kasi lahat nakatingin sa bawat galaw mo, ano?!! Nakakatense kasi konting mali mo lang, ija-judge ka na nila agad... Bwahahahaha, napahugot ako?! Joke lang! Masaya kasi first time ko 'to eh, kaya lang may kasama pang #EpicFailWithClarence.. With matching standing ovation pa ang audience at ang aking ever loving section E!! Ayieee, kinikilig naman ako sa kanila! Sana natuwa sila at naipaglaban ko ang aking minamahal na section! Yeah, aja hwaiting fighting!! \m/
BINABASA MO ANG
The School's Pianist Loves... ME??! (BiKyo FanFic)
Kısa HikayeIn every school or educational institution, meron at merong common and popular ones in their different fields. Sa pinakabusy na kaganapan dito called graduation practice maipapamalas ng isang babaeng commoner ang pangarap niyang ipakita ang kanyang...