FT 01 : New World

68 0 0
                                    


<Lhoraine's POV>


" 1,2,3 pose.... 1,2,3 pose.... 1,2,3 pose... good job guy's" sambit ng aming fashion coordinator na si Cordon siya ang nag-tra-train saming mga models bago kame sumalang sa fashion show this coming sunday.


Nagpupunas ako ng pawis ko dito sa backstage ng biglang may tumawag sa pangalan ko...


"Miss Lhoraine ipinapatawag po kayo ni sir Aki" sambit ng isang babae na hindi ko naman kilala, pero kilala ko naman ang nagpapatawag saken , he is the fashion designer ng aming irarampang mga damit this coming sunday.


Sumunod ako sa babaeng nagtawag saken, dumiretso ito sa opisina ni Aki kaya naman pumasok narin ako.


"Naku babe napaka-galing mo kanina, sigurado akong magiging successful nanaman ang event natin sa sunday" tili ni  Aki, ang masasabi ko lang ay wala siyang ipinagbago.


"Ayos ka lang ba babe?" tanong nito ng mapansin niyang tagaktak na ako sa pawis, alam kasi nito kng gaano kahina ang puso ko pero dahil last minute na  ay kailangan ko ng makipag-articipate sa practice ako pa naman ang pang finale nila.


Tumango ako bilang sagot sa tanong niya ngunit mukhang hindi ito kumbinsido kaya naman lumapit ito saken at iginaya ako upang maupo sa queen size sofa sa loob mismo ng opisina nito, inutusan pa nito ang babaeng nagtawag saken na kumuha ng malamig na tubig.


"Akin na nga yang bimpo mo ako na ang magpupunas sayo nenerbiyos ako sayo e" sambit nito bago kunin ang bimpong hawak ko at punasan ang pawis ko sa noo, kung hindi ko lang alam na nakalinya sa third sex itong si Aki ay iisipin kong may gusto ito saken.


"Hindi pwedeng ganito ka palage babe, baka sabihin ni tita pinapahirapan kita, naku jusko takot ako sa multo kaya pwede ba umayos ka?" sermon nito  na  medyo kumikiliti sa kaloob-looban ko. a month ago namatay ang mommy ko dahil sa isang aksidente, bumanga sa truck ang kotseng minamaneho nito papuntang airport para sana lumipad papuntang US, she decided na hanapan na ako ng heart donor dahil binigyan na ako ng taning ng doctor ko.


"Huwag mo akong patawanin baka ikamatay ko pa" sambit ko naman sakniya, napaismid naman ito bago magsalita.


"At kelan ka naman tumawa aber?, ipapaalala ko lang sayo na ako ang practice partner mo noong mga bata pa tayo para hindi ka basta-basta maiyak o tumawa" pagpapa-alala nito saken, Childhood friend ko itong si Chiaki Nuey also known as Aki, isang american-korean kaya naman sobrang pogi ng loko.


"Oh' uminom ka muna ng tubig" banggit nito ng dumating na yung babaeng inutusan niya." Siya nga pala hindi ko pa naipapakilala sayo, siya si Myrna bagong PA ko, Myrna si Raine my one and only GIRLfriend" pagpapakilala ni Aki na tatawa-tawa pa kahit kailan ay may sayad talaga ang baklang ito, napangiti lang ng pilit si Myrna, halatang hindi niya nasakyan ang sinabi ni Aki.


"Hello po" bati nito na wari'y nahihiya pero kung hindi ko pa alam ay makapal din ang mukha.


"Hello din" sambit ko nalang para hindi naman ako masabihan na mataray, ngunit parang hindi nito nagustuhan ang tono ko dahil biglang nawala ang ngiti nito.

Frozen TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon