FT 07 : First day

11 0 0
                                    

<Lhouraine's POV> 


Mahimbing ang naging pagtulog ko kagabi kaya naman nataranta ako pagkagising ko ng umaga dahil malelate na ako sa trabaho ko. Ito ang unang araw ko sa trabaho bilang PA ni Shun . 


Narito ako ngayon sa harap ng building, hindi ko nga akalain na ganito kataas ang building nila Shun .Hindi ko maiwasang panlamigan ng kamay, kinakabahan ako pero wala na akong takas sa sitwasyon kaya naman mas maiging harapin ko na lamang ito.


Pumasok ako sa lobby, agad kong hinanap ang information desk at nagtanong.


"Excuse me, can I see Mr. Ashton?" tanong ko sa  babaeng naroon na abala sa pag-flip ng papeles na ewan ko kung ano.


"Sorry miss but Mr. Ashton hasn't arrive at the moment , please wait over there" sambit nito sabay muwestra sa upuan na naroon.


Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid matapos kong maupo sa pan-isahang sofa, napaka-ganda ng lobby ng kompanya, akala ko nga kanina'y nagkamali ako ng napuntahan dahil mukha itong hotel, accommodating and attractive. naka-landscape ang lobby bagama't clerestory lamang ang nagsusupply ng liwanag rito mula sa itaas , nakaangulo ang mga bintana na animo nang-eegganyo na pumasok ang liwanag rito.


Napabaling ang tingin ko sa mga natatarantang mga tao na pabalik-balik at patabok naglalabas masok sa kompanya, para silang langgam na hindi alam ang patutunguhan.


"Sinabi kong ayusin mo yung report natin for the last five years bakit ito lang ang ibinigay mo saken?!" pasigaw na sambit ng isang medyo may edad ng lalaki.Pinapagalitan nito ang isang lalaki sa sa tingin ko'y intern pa lamang.


"Sir hindi po kinaya ng oras ko , dahil kagabi niyo lang po sinabi" mapag-paumanhing katwiran nung lalaki.


"Hindi ko na iyon problema, trabaho mo iyon kaya dapat ginawa mo" sambit nito bago lagpasan nito ang lalaki, sumunod naman ang lalaki na parang maiiyak na.


"Good morning sir"


"Good morning sir"


"Good morning sir"


Napalingon ako sa entrance ng sunod-sunod na pagbati ang narinig ko, tama ang hinala ko dahil dumating na nga si Shun,Napansin kong maya't- maya ang paghilot nito sa ulo na animo nanakit iyon.


Sa di malamang dahilan ay dumiretso ito sa front desk at nagtanong. Halos mahigit ko ang hininga ko ng biglang bumaling ang tingin nila saken.


Parang naging slow motion ang lahat ng parang dahan-dahan itong lumapit sa kinaroroonan ko, hindi ko maiiwas ang tingin  ko, hindi ko rin mautusan ang sarili kong tumayo mula sa pagkaka-upo.


"I'm glad you came" sambit nito na siyang nagpabalik ng lakas sa katawan ko. Agad akong tumayo at binati siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Frozen TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon