Kabanata 2 - Maling Desisyon!

84 1 0
                                    

Text Message:

            Psst! Oi labas tayo. Kasama ko mga kabarkadz, 6pm. Sama kana.

From:

            Marta

Napangiti ako habang binasa sa isipan ko.

 “Bakit ka naka ngiti?”

“Kuya, pwede bang humingi ng favor?”

“Syempre, basta ikaw Brad! Ano yun?”

“Nag yaya kasing lumabas si Marta. Pwede ba kong sumama? Sige na Kuya please!”

Hindi pa sana papayag si Kuya. Pero pinilit ko siya ng pinilit. Hanggang sa wakas na pumayag na siya. Naligoako at nag bihis at pagkatapos kong maghanda, kinausap muna ako ni Kuya.

“Mag ingat ka ha. Wag kang mag papagabi. 8pm, dapat nandito kana.”

“Kuya naman eh. Malaki na ko. Kaya ko na ang sarili ko.”

“Kung sa bagay. Ah basta! Mag ingat ka parin.”

“Okay Kuya. Salamat ha.”

Papa-alis na ko. Mga 5 metro na ang layo ko sa bahay ng tinawag ako ni Kuya.

“Vince sandali!”

“Bakit Kuya?” sigaw ko pabalik sa kanya.

“Wala. Namalikmata lang siguro ako. Sige na umalis kana. Ingat!”

Di sinabi ni Kuya kung bakit niya ko tinawag. Pero kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Di ko nga alam  kung bakit siya alalang-alala sakin eh. Mahal naman ako ni Marta. Di naman niya siguro akong kayang saktan diba? Habang nag aabang ako ng tricycle, may natanggap akong isang text message.

Text Message:

            Asan kana?

From:

            Marta

Ni reply – yan ko siya.

Text Message:

            Coming na q. =)

To:

            Marta

At may dumating na tricycle. Sumakay na ako. At pag dating ko doon, sinalubong ako ni Marta at ng kanyang matamis na halik. Napangiti ako sabay halik din sa kanya.

“Ba’t ang tagal mo?”

“Sorry ha, si Kuya kasi eh.”

“Hay! Ayaw talaga ng Kuya mo sakin noh?”

”Hayaan mo. Ipaglalaban parin kita.”

“Salamat Vince! Ang swerte ko talaga sayo!”

”San ba tayo pupunta?”

“Basta!”

”Eh akala ko ba kasama natin mga barkada mo?”

“Na-una na sila. Teka, abang muna tayo ng taxi.”

“Okay.”

Habang nag-abang kami ng taxi, may dumating na text message sa cell phone ni Marta. Di ko alam kung kanino nanggaling. Pero nabasa ko ang mensahe.

Text Message:

            Handa na ang lahat. San na kayo?

Nagtaka tuloy ako at napa-isip. Hanggang sa may dumating na, na taxi. Pagkapasok namin sa taxi, may naka – sakay nang isang lalaki. At magkakilala pa sila ni Marta! Pambihira! Tinanong kami ng driver kung saan kmi papunta. Di ko maintindihan. Pero sinensyasan lang ni Marta ang driver na tila ka-kon tsaba niya ito. Pero ka-kon tsaba saan? Nang umupo na kami, ipinakilala ni Marta sa akin ang katabi niyang lalaki.

“Vince, si Marco nga pala, Brad ko.”

“Brad? Di ko alam may kapatid ka palang lalaki.”

“Kapatid? Ay hindi, kasama ko lang sa frat.”

Tamis Ng Ganti (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon