Kabanata 3 - Balak Pahamak!

76 1 0
                                    

Napatango nalang ako. At papunta na kami sa aming destinasyon na di ko naman alam kung saan. Mag i-isang  oras na kaming naglalakbay pero di parin humihinto ang taxi. Nagtaka na tuloy ako. Kaya tinanong ko si Marta.

“Marta saan ba talaga tayo pupunta?”

Di siya sumagot. At tumawa nalang silang dalawa ng kasama niya sa frat. Pati ang driver ay nakisali na rin.

“Marta ano ‘to?”

“Ilang taon kana nga Vince?”

 “20.”

“Yun naman pala eh. Ang tanda mo na, nagpapa-uto ka pa!”

“Anong ibig mong sabihin Marta?”

“Paki gapos na nga to Marco.”

Di ko alam kung anong nangyayari. Pero kumuha na si Marco ng lubid na siyang pangtali sa akin. Nang nagtangka na siyang gapusin ako, sinipa ko siya at dumugo ang ilong niya.

“Vince ano ba? Bakit mo siya sinipa?”

“San ba talaga tayo pupunta?”

“Marco patulugin mo na nga ang isang to!”

At doon na ‘ko sinuntuk ni Marco. Dumugo ang ulo ko. Lumaban ako, pero lagi niya ‘kong  na-uunahan. At doon, binugbug niya ‘ko at nahimatay. Pagka gising ko galing sa pagkakabugbug, nasa isang di pamilyar na lugar ako. May mga nakapalibot sakin na tila mga adik. Di ko alam kung anong gagawin ko hanggang sa dumating si Marta.

“Marta, ano to? Nasaan ako? Nasaan tayo? Sino sila?”

“Sorry Vince ha. Napag utusan lang.”

“Napag utusan? Sino?”

“Secret. Hahahaha.”

Nanlalamig na ako. Takot na takot at nag-sisisi. Kina-usap ko ang sarili ko.

 (Sa isip lamang.)

“Ba’t ba kasi di ko pinakinggan si Kuya? Sana di nalang ako sumama kay Marta! Tama si Kuya!”

Habang kinaki-usap ko ang aking sarili, tumunog ang cell phone ni Marta. Di ko alam kung sino ang kausap niya basta narinig ko lang na.

“Okay na boss. Nandito na siya. Ano na ang gagawin namin sa kanya?”

Binaba niya na yung cell phone mga ilang minuto ang naka lipas. Pero pagka harap niya sa mga kasamahan niya, sumenyas siya gamit ang kanyang hintuturo pa linya sa kanyang leeg! Natakot ako baka papatayin na nila ako. Pero biglang tumunog ang cell phone ko na nasa bulsa ko. Sinubukan kong abutin ito, paniguradong si Kuya na ito! Abut kamay ko na sana ng biglang inunahan ako ni Marta. At ng nakuha niya na ito, hinulog niya ito sa sahig at tinapakan hanggang sa magkadurog durog.

“Marta, bakit mo ginagawa sakin to? Akala ko ba mahal mo ko?”

“Sorry ha, may mas mahal pa kasi akong iba.”

“Ha? Sino?”

“Patayin niyo na nga to! Ang daldal eh!”

Nanginig ako sa takot. Unti-unti na silang lumalapit sa akin. Mag aalas Nuebe na ng gabi. At pag tunog ng sirena, doon na nila ako sinimulang binugbug. Suntok sa kanan, suntok sa kaliwa. Sipa dito, sipa doon. Dugo na ang nangingibabaw sa paningin ko. Inisip ko tuloy na baka di na ko mabubuhay pagka tapos nito. Mga 1 oras din ang pag bugbug nila sakin. Pagkatapos nila ‘kong binugbug, tinapon nila ‘ko sa isang madilim na lugar na medyo malalim. 

Tamis Ng Ganti (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon