“Si Mc at si boss ay iisa. Ang nag-utos satin na patayin si Vince ay si Mc!”
“Ha? Eh diba magkapatid yung dalawang yun?”
Nanlaki ang mga mata ko ng narinig ko iyon. Agad na akong umalis, ayoko nang makarinig pa tungkol doon. Kaya di ko na narinig ang ibang pinag-uusapan nila. Bumalik ako ng boarding house. Di ko yata nakayanan ang narinig ko. Kaya bumili ako ng sigarilyo. Kahit di ako naninigarilyo, ginawa ko. Halos isang pakete rin ang na-ubos ko nun.
(Sa isip lamang.)
“Kuya? Bakit mo nagawa sakin ‘to? Akala ko ba talagang nag-aalala ka sakin? Bakit mo inutos kay Marta na patayin ako? Bakit si Marta pa? Bakit? Bakit?! Pero pinapangako ko Kuya. Kahit kapatid kita, mag hihiganti ako sayo! Nakayanan mo ngang ipapatay ako na nag-iisa mo nalang pamilya! Ano kaya kung ako?!”
Pinag planuhan kong ma-igi ang pag hihiganti ko sakanilang tatlo! Minabuti kong unahin si Daniel. Dahil kung patay na si Daniel, wala ng ibang pupuntahan pa si Marta kundi si Kuya! Medyo napagod rin ako sa pagpatay kaya natulog muna ako, mga dalawang oras lang naman. At gumising ako, Alas 10 na. Pinuntahan ko na ang bahay ni Daniel. Pagkadating ko doon,
(Sa isip lamang.)
“Aba! May pa gitara-gitara kapang nalalaman ah! Hmpf! Sige kumanta kalang muna diyan. Total huling kanta mo na yan, ibigay mo nang lahat!
Napansin ko na mag- isa lang si Daniel sa bahay niya. Kaya pinasok ko na. Pagkatapos niyang kumanta, pumalakpak ako na nandun sa likod niya.
“Vi … Vince?”
“Ako nga! Gulat ka noh? Haha!”
“Diba patay kana?”
“ Eh ano ako? Multo? Hahaha!”
“Paano ka nakapasok? Anong ginagawa mo dito? Ikaw din siguro ang pumatay kina Marco at Tomas noh?”
“Dami mo namang tanong. Oo, ako nga ang pumatay sa kanila! Ano naman ngayon?”
Hinugot ko ang Kalibre 45 sa gilid ko at tinutok sa kanya.
“Vince maawa ka!”
“Maawa? Bakit? Kina awaan niyo ba ‘ko nung pinagtangka-an niyong tapusin ang buhay ko? Hmpf!”
Lumuhod siya sa harap ko para lang wag ko siyang patayin. Pero itinuloy ko parin ang plano ko. Ang patayin silang lahat! At ipinutok ko na ang baril sa ulo niya! Basag! Nagkalat ang dugo’t laman sa sahig.
(Sa isip lamang.)
“Siguradong patay kana! Paalam!”
Umalis agad ako sa bahay ni Daniel at tinawagan ko si Marta, pero di ako sumasagot. Pinakikinggan ko lamang ang kanyang boses. Bumalik ako sa boarding house. Itinago kong mabuti ang baril na ginamit ko sa pagpatay. At itinulog ko nalang ang depresiyon na nararamdaman ko tungkol sa aking kapatid.
(Sa isip lamang.)
“Bakit naman kaya pinagtangkaang ipapatay ako ni Kuya?”
Wala akong ma-isip na dahilan kung bakit. Hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, nag-aalmusal ako ng narinig ko ulit sa radyo na may isa na namang pinatay. Tinawanan ko lamang iyon.
(Sa isip lamang.)
“Lintik lang ang walang ganti!”
Pagkatapos kung mag-almusal, naligo ako at nag bihis. Sumuot ako ng kulay puti na pantalon at puting t-shirt at pumunta sa bahay namin. Pagkadating ko sa bahay, nakita ko si Kuya. Mag-isang tumatawa.
(Sa isip lamang.)
“Baliw na yata ang traidor na ‘to ah! Hmpf! Puwes magpakasaya kana. Dahil, huli na yan mahal kong Kuya! Hahaha.”
BINABASA MO ANG
Tamis Ng Ganti (One Shot Story)
Mystery / ThrillerA guy who made vengeance for those people who made his life at stake and he discovered that the persons behind it were his own brother and girlfriend.