Kabanata 7 - Malas na Ahas!

71 1 0
                                    

Pumunta ako sa harap ng pintuan at tinawag siya.

“Kuya!”

Napalingon siya.

“Oh bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong ko habang nakangiti.

“Vi … Vince?”

“Ako nga ‘to Kuya! Ba’t parang gulat na gulat ka Kuya?”

“Ha? Hindi. Masaya nga ako eh.”

“Talaga Kuya?”

Di siya sumagot. Unti-unti naman akong lumapit sa kanya. Atras siya ng atras. Hanggang sa na-corner ko siya sa isang sulok.

“Kuya bakit?”

“Bakit ano?”

“Bakit mo ko pinagtangkaang ipapatay?”

“Ano? Di ko alam ang pinagsasabi mo!”

“Kuya wag ka nang mag maang-maangan pa. Alam ko ang lahat! Kasabwat mo pa nga si Marta diba?”

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Kinuha ko ang lubid na nasa gilid ko lang at iginapos ko siya ng mahigpit.

“Vince pakawalan mo ko!”

“Para ano? Matuluyan mo ‘ko? No way! Hahaha!”

“Vince patawarin mo ‘ko! Nagawa ko lang naman yun kasi … kasi …”

“Kasi ano?”

“Kasi mahal ko si Marta!”

“Ano Kuya? Mahal mo si Marta? Kaya naman pala!”

“Kaya naman pala ano?”

“Kaya naman pala ayaw mo sa kanya para sakin, dahil gusto mo, sayo siya! Traidor ka Kuya!”

“Ano naman ngayon? Di lang naman yun ang rason eh!”

“Eh ano pa Kuya?! Ano pa?!” galit na galit kong isinigaw sa pagmumukha niya!

“Kasi nung nabubuhay pa ang mga magulang natin, ikaw nalang palagi ang bida! Ikaw ang matalino, ikaw ang mabait, ikaw ang may magandang itsura, ikaw nalang lahat! Ikaw nalang lagi ang pinupuri! Eh ako? Ni minsan nga di ako niyakap ni Itay! Isang beses nga, nagkasakit ako, eh ano? Pinatitiis lang! Eh ikaw kahit sipon lang doktor agad! Vince kitang – kita!”

“Ah ganun? Eh bakit mo ba kasi ikinumpara ang sarili mo sakin? Kuya magka-iba tayo!”

“Magka-iba talaga tayo!”

“Pero Kuya bakit mo ginawa yun sakin? Kuya magkapatid tayo! Ba’t mas binigyan mo pa ng importansiya ang sariling kagustuhan mo?!”

Di na siya sumagot. Kinuha ko yung cell phone niya at tinawagan si Marta.

“Hello Marta? Pumunta ka dito!”

At binaba ko na ang cell phone. Mga isang oras din ako nag hintay kay Marta. At nang dumating siya, nag tago muna ako sa kwarto.

“Mc!” sigaw ng walang hiyang babae.

Dali dali niyang pinuntahan si Mc at nagtangkang pakawalan. Pero tinutuk ko sa kanya ang baril na ginamit ko din sa pagpatay kay Daniel. Nanlaki ang mga mata niya! At napalingon.

“Vince?”

“Hi Marta! Kamusta kana?”

“Bakit ka nandito? Diba patay kana?”

“Eh binuhay ako ng demonyo eh! Para dalhin kayo sa empyerno! Hahaha.”

Di nakagalaw si Marta dahil sa takot at nilubos – lubos ko na ang pagkakataong yun. Itinali ko siya sa tabi ni Kuya. Di ko pa sila tinuluyan agad-agad. Ikinuwento ko pa sa kanila kung pano ko pinatay sina Marco, Tomas at Daniel. Wala akong natanggap na ibang salita kundi “Hayop ka!”, “Wala kang puso!” at “Demonyo!”. Di na ‘ko na-apektohan sa mga sinabi nila. Totoo naman eh! Hmfp! Kumuha ako ng merienda sa kusina at bumalik doon mismo sa sala.

“Kamusta na kayo diyan? Merienda? Ay teka, Kuya baka may lason ‘to? Hahaha. Biro lang Kuya! Hahaha.”

“Vince ano bang gusto mo?”

“Gusto ko? Hmm.. Ang mamatay kayo! Yun lang naman eh! Di naman siguro mahirap yun diba? Hahaha. Teka lang, kakain muna ako ha! Pagkatapos kong kumain, doon ko nalang kayo papatayin! Ok ba yun? Hahaha.”

Kinain ko ang meriendang kinuha ko sa kusina. Isang biskwit at juice. Nanginginig na sa takot ang dalawa. Ubos ko na ang biskwit, juice nalang ang natira. Pero isang inum ko na lang ubos na yun. Pero bago nun, kina-usap ko muna sila.

 “Oh panu ba yan? Sinong gustong ma-una? Hmmm … May na-isip ako. Daanin nalang kaya natin sa Enie Meenie? Haha. Sige sisimulan ko ang turo kay Kuya! Enie meenie miney moe! Catch the tiger in the zoo! Haha. Marta!

“Vince, please tama na!”

Tamis Ng Ganti (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon