Mga isang oras din ako na walang malay noon. Akala siguro nila, natapos na nila ako. Akala ko nga rin eh. Pero hindi. Nagawa ko pa ngang tumakbo sa kalsada para humingi ng tulong. May isang itim na kotse na dumaan. Hinarang ko ito at kumatok sa bintana habang tinititigan ko kung sino ang sumasakay dito. Pero iniwan nila ako at umalis ng mabilis. Di na talaga nakayanan ng katawan ko ang lahat ng suntok at sipa na natanggap ko, kaya hinimatay ako. Sa awa ng Diyos may nakakita sa akin na isang magsasaka na taga doon. Pagka gising ko sa umaga, medyo mahirap pang idilat ang mga mata ko at di parin matanggal ang tila trauma na narasan ko. May mga boses pa na nangingibabaw sa utak ko.
“Iho? Kamusta na ang pakiramdam mo?”
“Ha? Sino ka? Pano ako napunta dito?”
“Ako si Karding. Habang papa-uwi ako kagabi, nakita kitang duguan sa kalsada. Kaya na-isip kong dalhin ka dito sa bahay at gamutin.”
“Talaga po? Maraming, maraming salamat po. Utang ko po sa inyo ang buhay ko. Ano po ba ang gusto niyong gawin ko para masukli-an ko ang kabutihang ibinigay niyo sa akin?”
“Ah, di na kailangan iho. Bukas naman ang loob ko na tumulong kahit kanino.”
“Maraming salamat po talaga Mang Karding. Pero kailangan ko na talagang umalis. Baka nag-aalala na si Kuya.”
“Mag almusal ka muna.”
“Sige po. Gutom na nga rin ako eh.”
Nag-almusal kami ni Mang Karding. At pagkatapos naming mag – almusal,
“Iho, medyo mahirap kasi dito na makasakay ka papuntang bayan.”
“Po? Eh wala ho bang jeep o tricycle na dumadaan dito?”
“Meron naman. Pero minsan lang may dumadaan dito eh. Pero di bale, ihahatid kita sa palengke.”
“Sige po. May sasakyan ho ba kayo?”
“Isang tricycle lang naman. Isa rin sa hanap buhay ko. Pero medyo matagal tagal ang biyahe.”
“Mga ilang minuto ho?”
“Minuto ka diyan! 3 oras. Iho, probinsiya ito.”
“Tagal naman po.”
“Kaya mag handa kana at aalis na tayo maya maya.”
“Sige po.”
Nag-bihis lang si Mang Karding at umalis din kami agad. Medyo sumasakit pa yung katawan ko. Pero tiniis ko yun, para lamang maka-uwi. Nang sa ganun, makahingi ng tawad kay Kuya dahil sa hindi ko pag sunod sa kanya. Sa biyahe, nakatulog ako. At ginising nalang ako ni Mang Karding ng dumating na kami sa palengke.
“Iho, nandito na tayo. Nandun ang terminal ng jeep. Bilis para makasakay kana.”
“Maraming, maraming salamat po talaga. Hayaan niyo po, bibisitahin kita dito kung may oras ako. Salamat po ulit.”
“Walang ano man yun. Ingat ka sa biyahe.”
“Sige po. Ma-una na ‘ko.”
Sumakay ako ng jeep. Buti nalang isa nalang ang kailangan para umalis na ito. Kaya pagka sakay ko, umalis na rin kami ka-agad. Mga 2 oras ako nag biyahe bago nakarating sa siyudad. Pagkadating ko, napahinto ako. Kina-usap ko ang sarili ko.
(Sa isip lamang.)
“Alam ko kung saan ang bahay ni Marta. Kilala ko rin yung ibang nambugbug sakin. Sina Marco, Tomas at Daniel. At alam ko lahat kung saan ang bahay nila!”
Pag hihiganti na ang nangingibabaw sa isip ko. Di ako agad umuwi ng bahay. Pinuntahan ko yung mga bahay ni Marco, Tomas, Daniel at Marta. Inuna ko ang bahay ni Marco. Pagka dating ko doon, nagtago ako sa mga damuhan. At pumunta ako sa isang sulok ng bahay nila malapit sa kwarto ni Marco. Nanonood siya ng TV ng biglang tumunog ang kanyang cell phone.
“Hello? Mamaya? Anong oras? 6pm? Kasama ba yung barkada? Sige. Sama ako diyan. Teka, saan nga? Sa Moonlight Club? Ok. Masaya to Brad. Tagay-tagay na naman to. Hahaha. Sige, Bye.” mga salitang binitawan ni Marco.
BINABASA MO ANG
Tamis Ng Ganti (One Shot Story)
Mystery / ThrillerA guy who made vengeance for those people who made his life at stake and he discovered that the persons behind it were his own brother and girlfriend.