Sorry po kung maikli po update ko kahapon. Bawi nalang po ako ngayon. ☺ vote, comment and like po.. comment nyo po kung anu say nyo sa story ko. Para po maimprove ko pagsusulat ko. Salamat po.
Zack pov
"Alam ko ang nais mo." Sabi ng isang boses na nagmumula sa madilim na parte ng aking silid."Sino ka?! Magpakita ka!!" Inis na sabi ko.
"Ganyan na ba ang bati mo sa iyong uncle ha? Zack?" Sabi nito at lumabas sa kanyang pinagtataguan.
"Urgg. Uncle Lusifer. Anong kailangan mo?" Sinabi ko sa tinataman na tono.
"Tutulungan kita makamit ang iyong nais." Sabi niya.
"Wag ka ngang magpatawa. At ano naman ang nais ko na sinasabi mo ha?"
"Alam kong gusto mong maging demonyo. Purong demonyo." Sani nito habang nakangiti.
"At ano ang kapalit??" Tanong ko sa kanya.
"Ohh Zack.. ganon mo na ba ang tingin mo sakin? Pamangkin kita kaya tutulungan kita ng walang kapalit."
"Okey.. ano ang kailangan kong gawin?" Tanong ko.
Bigla naman siyang napangiti ng malaki sa tanong ko. Biglang lumiwanag ang pader sa kwarto ko at biglang may lumitaw na muka ng babae. At kung hindi ako nagkakamali isang mortal na babae.
"Anong kinalaman ng isang tao sa nais kong mangyari?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kailangan mo siyang patayin." Pagkasabi niya non ay bigla nalang siyang nawala.
Di man lang sinagot tanong ko tsssss.. makapunta na nga lang sa lupa ng matapos na misyon ko.
"Dad pupunta ako sa lupa ngayon." Paalam ko sa demonyo kong ama.
"Para saan?" Tanong ni Satan na kanyang ama.
"Hindi din lang ako makatatagal dito at sa langit eh. Kaya naman dun nalang muna ako." Sagot ko sa kanya na hindi siya nililingon.
Agad kong tinungo ang pinto patungo sa lupa.