CHAPTER 1

291 28 4
                                    

A/n: Eto na po yung Chapter 1

Sna mag enjoy kayu sa pagbabasa! ^_^

***
*FLASHBACK*

Lunes.

Hulyo ngayon.

Ito ang buwan kung kelan ay laging tag-ulan at mei bagyo...

Nandito ako sa isang 'waiting shed' ng aming paaralan...

Nag-iisa.

Hinihintay na tumila ang ulan...

Gabi na at Ako na lang mag isa ngayon dahil nakauwi na ang mga estuDyante...

Kaninang hapon pa ang labasan at mei mga sundo sila

Samantala ako ay naglalakad lamang pauwi sa amin.

Ayoko kasing gastusin ang nakukuha ko sa pagging iskolar ko...

Oo, iskolar lang ako dito sa pribadong paaralang ito...

Hayy~ Hindi na yata pa titila ang ulan...

Nakakainis naman! Kung sana maaraw ngayon ay kanina pa ako nakauwi!

Kaya ayoko ng ulan eh!

Susugod na nga lang ako sa ulan tutal mei dala naman ako payong...

Binuksan ko na ang payong ko at sisimulan na sanang sumugod sa ulan,

Nang biglang mei humawak sa braso ko...

Nagulat ako at hindi muna tumngin...

Ang alam ko ako na lang mag isa ngayon...

Maliban sa guwardya na nasa gate na nagbabantay ng eskuela...

Kung ganoon, sino ang hahawak sa akin?

Multo? WAAAAAAH!

Takot ako sa multo...!

Wag kang titingin, Wag kang titingin! Multo yan! Waaaah!

OA ko na yata kaso takot kase talaga ako sa multo!

WAAAAAAAH!

BiglaNG hinila ang braso ko ng multo kaya napaharap ako dito...

"WAAAAAAH! Multo!" Nasabi ko bigla...

Tumingin ako sa multo...

"Hindi ako multo" sabi nya...

Tumingin ako sa kanya...

Hindi nga sya multo.

Isang lalaki na nakauniforme ng mga estudyanteng nag aaral dito.

Ano ba naman ang inasta ko? Nakakahiya!

"Ay sorry" sabi ko...

Ngumiti lang sya...

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero parang nawala ang mga bagay bagay sa kapaligiran namin at tanging sya lamang ang aking nakikita...

Napatitig ako sa kanya....

Nqpagtanto ko na ang gwapo nya pa lang lalaki...

Lalo nat nakangiti sya sa akin...

Prang sinasabi ng ngiti nya na tanggap nya ang sorry ko...

Nakaramdam ako ng pagkakilig sa aking sarili...

Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito....

"Bakit mo nga pala ako hinawakan sa braso?" Sabi ko sa kanya...

"Makikisilong lang sana ako sa payong mo. Hanggang kanto lang naman ako. Okey lang ba?" Ngiti nya pang sabi sa akin...

Tuwing Umuulan... (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon