The Weird Looking Creature Named SALAMANDER
Mula sa lumitaw na itim na usok ay lumabas ang isa pang nilalang na magpapahirap pa lalo sa sitwasyon ng apat.
"Sino ka?! Ikaw ba ang nagpadala at boss ng mga panget na ito?!" Matapang na sigaw ng isa.
Pero imbis na sumagot agad ay matapang itong nagsalita.
"Ang lakas naman ng loob mong sigawan ang isang tulad ko! Ikaw na mababang nilalang lamang!"
"Ang nararapat sa inyo ay ang tuluyan!" Babadya na sanang bubunot ng sandata ito, ngunit napatigil at nagsalita uli.
" Pero, bago ko wakasan ang mga buhay nyo ay ipapakilala ko muna ang sarili ko." Tumindig sya ng tuwid at parang nagmayabang, pagkatapos ay nagpatuloy na sya sa pagsasalita.
"Sayang din naman kung di nyo makikilala ang isang tulad kong makisig at pambihirang nilalang. Whahahaha!" Dugtong pa nito at ngumiti ng nakakaloko.
Habang ang apat ay natulala naman sa mga narinig at parang di makapaniwala.
Dahil literal silang napanganga, tuluyan na ngang humagalpak sa tawa."Pfft... Ikaw!? Makisig? Saang banda?!" Bulong ng isa sa katabi.
"Baka dahil sa walang nagkakainteres sa kanya at sobrang hangin, kaya napasukan na lang ng hangin ang utak. Haha." Pabirong bulong pa ng isa.
At humagalpak na naman sa katatawa.
Nagtaas lang ng kilay at di pinansin ang pang iinsulto kaya nagpatuloy.
"Ahem. Ahem"
*cleared his throat*
Huminga muna sya ng malalim at malakas na binigkas ang bawat salita.
"Ako ang dakilang Salamander!
Ang kapitan ng hukbong umatake sa inyo. At nandito kami para wakasan ang mga buhay nyo! Kaya humanda na kayo sa inyong katapusan! Whahaha" Maangas nyang sabi kasabay ng pagtawang mapangasar.At wala pa ring ganang makinig ang apat sa kanya. Dahil may may pinoproblema sila ngayon.
Napaseryoso ang apat.
"So, sya pala ang kapitan nila." Bulong ng una sa sarili.
"Bakit ba nya tayo gustong patayin? May kasalanan ba tayo sa kanya?" Tanong ng pangatlo sa mga kasama.
Nagtinginan muna ng seryoso sa isa't isa at nagkibit balikat lang ang mga ito.
"Uhm...Baka galit sya sa mga babae, sa atin?" Patanong na sagot ng pangalawa.
"Ayaw yata sa mga magaganda?" Biro ng pangatlo. At mahinang napatawa.
"Tama na nga yan girls! Be serious okay?" Pagsaway naman ng pang apat, kaya napaseryoso ulet ang mga ito.
Habang may sinasabi pa si Salamander ay napansin niyang parang walang pakialam ang apat sa kanya at di ito pinapansin.
Kaya namula ito, di dahil sa kahihiyan kundi dahil sa galit at kasabay na pag usok ng magkabilang tenga nito. Hudyat na napuno na sya.
"Aba't di nyo man lamang ako pinakinggan kahit kaunti lang!" Galit at binunot na ang sandata at tinutok sa kalaban.
"Makikita nyo ang aking bagsik!" Bulalas ni Salamander.
"Di kami natatakot sa inyo mga pangit!" Mapanghamon namang sabi ng pangalawa, at kahit hirap na tumayo ay tumindig sya ng tuwid.
Ito ay mas lalong nagpainit ng kanyang ulo, tawagin nyo lang sya ng kahit ano wag lang ang salitang "pangit". Hmmm. Bakit kaya?
"Talaga lang. Huh. Sa kalagayan nyo ngayon ay madali namin kayong mapapatumba!" Pag papaalala ni Salamander sa apat.
"Tama sya, sa sitwasyon natin ngayon pwede na agad nila tayong tapusin with just one quick snap." Bulong ng una sa sarili.
" Sa simula pa lang ay balak na talaga nila tayong talunin at patayin, sa lagay namin ngayon mukhang wala na kaming binatbat." Bulong ng pangalawa sa sarili.
"Madali namin kayong matitiris ng walang kahirap hirap." Patuloy na pagmamayabang nito, at kasabay ang paghalakhak.
"Mas dumadami pa sila, kakayanin ba namin? Ngayong wala na kaming lakas?" Pag aalala ng pang apat.
"Anong lugar ba naman kase 'tong napuntahan namin?" Pagririklamo ng pangatlo.
"Ano na ang gagawin namin? Kaya ba namin sila sa ganitong sitwasyon?" Pagtatanong ng pang apat sa sarili.
Napatingin sya sa mga kasama na pagod na pagod na, kulang na lang ay humiga sila sa simento para makapagpahinga.
"Kung kaya ko lang sanang ilabas ang natitira kong enerhiya. Mailalabas ko pa sana kahit panandalian lang ang sandata ko." Bulong nito sa sarili.
"Pero, bahala na! Kailangan naming makaligtas dito!" Ikinuyon nya ang kamao.
Kahit na nanginginig at walang kasiguraguhan ang mangyayari sa kanya ay sa wakas naisip na nya ang nararapat na gawin.
Nakapagdisesyon na sya at inilahad ang mga kamay at ipinagdikit ang mga palad.
Kailangan niyang gamitin ang natitira nyang lakas para maisagip ang lahat at makatakas muna.
Tumayo sya kahit nahihirapan.
Nabigla naman ang tatlo sa kanya.
"Hoy! Anong gagawin mo?" Tanong ng pangalawa at pinigilan sya habang hinawakan ang kanang balikat.
"May natitira pa akong enerhiya, pwede ko pang ilabas ang sandata ko. Kailangan ko tong gawin para makaalis na tayo dito." Pagpapaliwanag naman niya sa kasama.
"Just trust me, okay?" Mahinahong sabi nito sa tatlo at pagkatapos ay nag focus na.
Unti unting dumadaloy ang kaunting enerhiya na natitira sa kanya, pamunta sa mga kamay.
"Kaunti pa, kaunti na lang. Kaya ko 'to!" Pagtitiwala sa kanyang kakahayan.
Unti unti ay nagliliwanag na ang mga kamay nito at may nabubuong parang bilog na simbulo.
Nabahala naman si Salamander, kaya kumilos na ito.
"Akala nyo na na magtatagumpay kayo sa plano nyo? Pwes nagkakamali kayo! Sugod!" Paghuhudyat nito sa mga kampon na umatake muli.
Na sya namang ikinagulat ng tatlo at handa na sanag sanggain ang mga ito.
Kahit pa na nahihirapan ng kumilos at tumayo, nang may biglang tumama sa lupa na parang kidlat na pumagitna sa dalawang kampo.
------
UPDATED! :)
Sorry ngayon lang at maikli, busy kasi.
Ano kaya ang mangyayari? Sa tingin nyo kalaban ba na naman ang sumulpot o kakampi?
Watcha think?
Abangan ang next chapter! Doon nyo na makikilala ang apat na babae. Lol.
Bye!
:-)
-Anniearta
BINABASA MO ANG
☆The Summoners★
FantasyThis is a story about 7 individuals with extra ordinary powers which includes calling powerful and enchanted creatures, and fighting with great skills against the creatures from the dark. An adventure to other dimensions and discovering their not so...