☆2★

133 11 1
                                    

Human world

---Bago ang pagsalakay ng mga kalaban---

May apat na highschool students na  papalabas  sa  paaralan dahil katatapos pa lang ng klase nila at uwian na.

Masaya silang nagkukwentohan at nagkakasayahan habang pauwi galing  ng paaralan.

"Haha...grabe yong trip natin kanina! Epic talaga!"

"Epic or epic fail? "

"Eh, muntikan na tayong makita ni teacher kanina ah."

"Haha! Buti nalang at di  nabilaokan kanina."

"Patago tago pa kasi ng pagkain eh, parang di nabusog nung recess."

"Hahaha!!! Eh, kung mahuli ni teacher...Eh di lagot tayo ."

"Naku, kung di ko lang kayo bff nasumbong ko na sana kayo...tsk..tsk...mga pasaway."

*usap* *chika* *tawa*

[A/n: Ah...mga babae po sila ha...]

----

Sa pagdaan nila sa kalye nila ay....

May napansin silang kakaiba.

Maya maya pa habang naglalakad ay nagulat nalang sila sa napansin nila dahil biglang tumahimik ang paligid na para bang sila lang ang nasa lugar na kinatatayuan nila.

Nakakabinging katahimikan...

Walang katao tao.....

Kakaiba sa pakiramdam....

Parang nasa iba silang dimensyon kahit  pareho parin ang paligid at tila walang pinagbago maliban sa katahimikan at walang nakikitang tao't sasakyan na umaandar o dumadaan.

"This is weird."  Sabi nung isang kasama nila na nauunang maglakad at kinikilabutan.

"Ang tahimik yata." Pansin ng isa pa na nagtataka.

"Oo nga, ang tahimik...Creepy..." pagsangayon naman ng isa pang kasama at lumapit sa mga kasama.

"Napansin nyo rin?"  Tanong nung nahuhuli sa kanila na lumapit din sa mga kasama niya.

Tumango ang iba pang kasama sa pagsang ayon sa kanya at dikitdikit silang naglakad muli.

Sa paghakbang nila ay di nila napansing may sumusunod na pala sa kanila na  nagtatago sa anino ng mga poste at mga gusali.

Isang hakbang ng apat....isa ring hakbang ng mga sumusunod  papalapit sa kanila.

"Eto na naman yong kakaibang pakiramdam." Pagsusumbong ng isa sa mga kasama nya at mukhang kinakabahan..

"Tama ba tong dinadaanan natin? Baka naliligaw lang tayo." Sabi nung isa.

"Oo, sa araw araw nating pagdaan dito...maliligaw ka pa rin ba?" Pinagtaasan ng kilay ang katabi.

"Eh, malay natin di ba?"

"Hay, ewan ko sayo"

"Uy, tama na nga yan." pag awat ng isa sa kanila.

"Ano ba kase to? Ba't ganito? Sobrang tahimik...nakakatakot na...parang ghost town na tong kalye natin..." .sumbong naman ng isa pa.

Nagkibit balikat naman ang iba pa at naglakad na sila muli.

Napatigil ang isa sa kanila dahil sa napansing tumutulong pula sa braso ng isang kasama.

"May tama ka!!!" Bulyaw nito.

Napalingon naman ang iba at nagsimulang magpanik.

"Hala! Bff san galing yan?" Tanong nung isa habang pinupunasan ang pulang likido sa braso ng kaibigan.

"Kaya pala namamanhid kanina pa."

"Akin na at gagamutin ko."  Lumapit ang isa at inilapit ang mga palad sa sugat ng kasama.

Sa pagtapat ng mga kamay nito ay may kulay berdeng mga apoy ang bumalot sa mga kamay nito. Ang apoy na ito ay naglalabas ng kakaibang lamig at presko at nakakapagpagaling ng kahit anong sugat o karandaman.

Pinagmasdan lang ng dalawa pa ang pag gagamot.

Unti unting nawala ang kirot at pamamanhid...

"Wow! Di na masakit. Galing mo talaga gumamot! Thank you!"

"Welcome!"

Maya maya pa ay....

SWOOOOSSSHHHHHH!!!!!!~~~~~~

May mga sumulpot na kakaibang bagay na matalas mula sa kung saan at papatama na ito sa  direksyon nila.

Agad namang humarang ang isa sa kanila at naglabas ng kakaibang sandatang parang tungkod at itinapat sa harapan nila at nag  pawalang bisa sa mga bagay na tatama sana sa kanila, dahil naglabas ang kakaibang sandata ng shield na nagprotekta sa kanila laban dito.

Ang tungkod na ito ay may matulis na bagay sa dulo sa bangdang itaas at sa bandang ilalim naman ay may hawakang kurteng bilog na kulay ginto, parang spear. Pero kapag hinawakan sa gitna ay nahahati at pinagdudugtong lang ng kadina.

"Sabi na ngaba parang may kakaiba." Bulong nito na.

Di na nagtaka pa ang iba pa niyang  kasama sa mga weird na power nila dahil matagal na nilang alam ang mga special powers ng bawat isa.

Sa pagtigil nila ay nagsulputan na ang kanina pa sakanila sumusunod.

Na siyang ikinagulat nila.

"Whaaaa!!! Anong klaseng tao sila ba't ganyan ang itsura?!"

"Hindi sila tao....Iba kase ang nararamdaman kong presensya nila. Mga diablo?"

"Hindi sila diablo, pero puro kadiliman at masasamang aura ang nasisense ko....Sabi na nga ba may hindi tama,eh." Bulong nito sa sarili at naging alerto.

"Eto na yata yong sinasabi nila lolo dati pa."

"Mukha nga. Buti nalang at tinuruan tayo kung  pano lumaban."

"Tama na yan, maging alerto tayo hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin."

Ang mga kalabang nagsulputan ay pumapalibot na ngayon sa kanila.

"Mukhang mapapalaban tayo dito girls."

Tumango naman ang iba at nagready sa kung ano man ang mangyayari sa kanila.

======

A/N: Hi there! Natapos ko rin tong chapter 2. Haha!!! Mukhang bitin ba? Abangan nyo nalang sa next chapter kung ano ang mang yayari.

And by the way po....Thanks for giving your time para basahin tong story! ∩__∩

Hahaha....Happy nako! :)

Uy ha, nga pala don't forget po to comment, vote, and share.

comment po kayo kung ano masasabi nyi sa story, tas para makapag decide po ako kung itutuloy ko pa po ito.

Thank you ulet.

:)

☆The Summoners★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon