T E A R S OF T H E D E V I L
by eychtee
A N G S I M U L A
"O ano ngayon?! Sabihin mo ang totoo Denise! Umamin ka na ikaw ang nagpakalat ng punyetang chismis na yan! Umamin ka!" Sumulak ng todo ang dugo ko't medyo nanikip ang dibdib.
"Hindi nga sabing ako eh! Hindi! Pakawalan mo na ako!" Sinampal at pinaulanan ko ng kalmot ang mukha nito habang nakalambitin sa isang mahabang lubid.
"Ayaw mong magsalita ha! Give me the damn gun Maria!" Dali-daling inabot ng aking pinsan ang baril. Ngayon palang ako nakahawak ng ganito kaya't nahihirapan ako sa pagkasa. Napahalakhak ako sa takot at panginginig na nakapinta sa kanyang mukha.
"Napakabarumbada mo talaga Barbara! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sa akin! Sukdulan ang kasamaan mo!" Nag-abot ang aking mga kilay at buong lakas na kinasa ang baril. Dumagundong ang buong bodega nang biglang pumutok ito at tumama sa kanyang balikat malapit sa dibdib. Nagulat ako sa pagbagsak ng kanyang ulo at pagkawala ng malay. Nanginginig kong itinapon ang baril sa sahig at hinarap si Maria. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
"H..hindi ko sinasadya! I was just trying to scare her! What have I done?!" Napadausdos ako sa sahig.
"Let's go Barbara! Tumakas na tayo!" Hinila ni Maria ang aking kamay ngunit kaagad ko itong iwinaksi.
"D..dalhin natin sya sa ospital. Wag natin syang iwan dito." Nanghihina na ang aking katawan ngunit pinilit ko paring makatayo at makalas ang bihag sa pagkakatali. Sumalampak sya sa sahig kaya mabilis ko itong dinaluhan. Pinagtulungan namin syang maipasok sa kotse at pinaharurot ang sasakyan papunta sa isang malapit na ospital. Kandong ko ang kanyang ulo habang mabilis na nagpapatakbo si Maria. Binuksan nya ang bintana at itinapon ang baril sa bangin na nasa tabi ng kalsada.
"Barbara wear this. And put a very dark mark on your face using this eyeliner. Tapos na akong maglagay ng dumi sa mukha ko. Make sure na hindi ka makikilala!" Mangiyak-ngiyak kong ginuhitan ang aking mukha at isinuot ang jacket na may hood. Huminto si Maria sa pagmamaneho at lumabas sa driver's seat. Lumapit sya sa matandang nagtitinda ng balot. Ilang minuto nya itong kinausap at pagkatapos ay binuksan nya ang pintuan ng kinauupuan namin at buong lakas na inangat si Denise, ang babaeng nagkalat ng chismis na ngayon ay ganito ang inabot.
"Parang awa nyo na po. Tulungan nyo po kami. Pinaghahabol po kami ng mga masasamang tao. May tama po sya at kailangan nyang maidala sa ospital pero hindi po kami pwedeng manatili dito." Umiiyak si Maria habang nagmamakaawa. Hinawakan ng matanda ang kanyang ulo at bumigkas ng ilang salita bago tumango.
"Gamitin nyo po ito para makarating agad kayo sa ospital. Maraming salamat po!" Sabay abot ng ilang libong pera na kanyang inilukot. Taranta syang napatakbo pabalik sa driver's seat at humarurot paalis.
Pinagmasdan ko ang papaliit na imahe ng matanda at ni Denise sa likod. Maya-maya ay may isang sasakyan ang huminto kaya't hinatak ni Maria ang akselerador upang hindi kami maabutan.
Nagtungo kami sa kabilang bayan at huminto sa isang beach resort. Wala pang tao sa oras na ito dahil alas kuwatro pa lang ng umaga. Agad kaming naligo sa banyo bago dumiretso ulit sa sasakyan. Binuhay ni Maria ang makina at napagdesisyunan naming umuwi sa bahay upang hindi makatanggap ng panghihinala. Ipinalagay nya sa'kin sa plastik ang aming mga hinubad na damit at ipinatapon sa bangin ng kalsadang aming dinaanan.

BINABASA MO ANG
Tears Of The Devil
General FictionThree Kings Series [Book One] Barbara Fortaleza is a woman of beauty. Just like Helen of Troy, her face could launch a thousand ships. Pero sa likod ng kagandahang taglay nito, nakasilip ang isang pagkakamali ng nakaraan. She will be chained by a ki...