Kabanata 1

29.6K 464 14
                                        




MALAPIT nang lumubog ang araw sa silangan. Tahimik ko itong pinagmasdan. Malakas ang ungol ng aking tiyan at sa tuwing sumasakit ito, di ko mapigilang umiyak. Naiinis ako kay Denise. Kung hindi niya sana ikinalat ang chismis tungkol sa pagiging ampon ko ay hindi ko rin sana yon magagawa sa kanya. Totoo ngang masama ang ugali ko dahil tinitira ko lahat ng mag-aakmang sumira ng reputasyon ko sa school. They call me 'the indominable bitch'. Kaya walang nagtatangkang makipagkaibigan sa akin. But the truth is, hindi talaga ako masama. Naging masama lang ako dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko sa mga taong gustong umapak sa akin.

"Madam?" Sumikdo ang aking dibdib sa narinig. Mabilis akong lumingon.

"Po?" Naaninag ko ang isang matandang lalaki.

"Wag po kayong matakot sa akin. Magsasaka po ako sa lupaing ito. Pag-aari ni don Rafael. May dala po akong pagkain para sa inyo." Nagpinid ang aking mga labi ang napaluha.

"Sinong nag-utos sa'yo nyan? Si Rafael ba?" Marahan kong banggit.

"Ah h..hindi po madam. Mabuti pa'y kumain na muna kayo nang mapawi ang gutom na nararamdaman mo." Napangiti ako sa kanyang sinabi.

"Maraming salamat po. Talagang kanina pa ako nagugutom. Akala ko mamatay na ako sa gutom dito. Maraming salamat po talaga." Tinanggap ko ang iniabot nitong supot.

"May dala rin po akong banig at kumot madam. Ilalatag ko lang po ito sa itaas upang makatulog na kayo ng maayos. Heto po ang tubig." Tumango ako at tinanggap ang sisidlan ng tubig.

Pagkatapos nyang inihanda ang aking matutulugan ay pumanhik na ito paalis. Laking pasalamat ko at may dumating na tulong kahit sigurado akong si Rafael ang nagpaabot nito.

Aalamin ko pa lamang kung ano ang dahilan ng matinding galit nya sa akin. Kung may kinalaman ba dito si Denise.

Kinabukasan, nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kubo.

"Kailan raw darating si senyor Rafael?"

"Ewan ko. Kausap pa nya si madam Sofia kanina. Mukhang nagtatalo na naman."

"Eh pa'no ba kasi, kahit sinong babae ay mababaliw talaga kay senyor kaya ganun na lang palagi ang eksena."

"Kawawa naman ang babae sa loob."

"Alam mo ba kung bakit sya pinarusahan ng ganyan ni senyor?"

"Shhhh tumahimik kayo! Paparating na ang don!"

Tahimik kong pinakikinggan ang pinag-usapan ng mga lalaki sa labas. Kahit masakit pa ang aking katawan ay pilit ko paring itinukod ang aking mga tuhod sa sahig upang makatayo.

Binuksan ko ang maliit na pintuan ng kubo.

"Tumalikod kayong lahat." Malakas na boses ni Rafael.

"Masusunod senyor." Nakarating si Rafael sa paanan ng hagdan. Dumungaw ito sa akin. Umigting ang kanyang panga nang masilayang muli ang aking dibdib. Natanggal kasi ang pagkakatali ko nito kagabi. Umakyat ito kaya kaagad akong umatras.

Sumabit ang kadenang nakatali sa aking paa sa hagdan kaya hindi na ako nakalayo pa sa kanya. Mariin nyang tinitigan ang aking mukha. Bakit ba ganito sya kung kumilos? Nakaka-intimidate. Hindi ko tuloy napigilan ang pag-init ng aking pisngi.

"Hindi ka lang pala palaaway, palahubad rin." Seryosong saad nito.

"Anong sabi mo?!" Inis na saad ko dito. Hindi ko alam pero nanlilisik ang kanyang mga mata sa tuwing tinatapunan nya ng sulyap ang aking dibdib.

"Umalis na kayo." Utos nito sa kanyang mga tauhan.

"Masusunod po senyor." Saka pihit paalis.

"What are you planning to do Villafuente? Papahirapan mo ba ulit ako? Are you my schoolmate? Isa ka rin ba sa mga na-bully ko? Malamang dahil ganyan ka na lang kung makaganti sa'kin. I'm sorry pero hahanap ako ng paraan para makatakas dito. Kahit kailan hinding-hindi ako makokontrol ng isang katulad mong mahina naman talaga. At isa pa--"

"Anim na taon ang agwat natin kaya wag kang masyadong nag-iilusyon Barbara. Napakamatabil mong bata." Sabay hagod ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"How dare you call me kid?! Hindi ako bata! At higit sa lahat hindi ako nag-iilusyon!" Singhal ko dito. Blanko nya akong tinitigan.

"Bumaba ka ngayon din." Maawtoridad nitong utos.

"No." Giit ko.

"Fine." Bumaba ito ng hagdan at nagtungo sa puno'ng kinatatalian ng kadena.

"Bababa ka dyan o hihilain ko ito hanggang sa makarating ka sa destinasyon natin." Kinalas nito ang nakakabit na lock sa kadena at hinawakan ang dulo nito.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta? Iuuwi mo na ba ako?" Saad ko dito na nakataas ang kilay.

"A brat like you don't really know how to think things. Ang alam mo lang ay mag demand ng mag demand ng kung anong gusto mo. And I will not give it to you. Now get your ass down or I'll drag you." Padabog kong inapakan ang tatlong baitang ng hagdan. Mabuti na lang at hindi ito nabali sa lakas ng pagkakatapak ko.

"Walk." Utos nito. I rolled my eyes on him a hundred times before I turned my back and paved the way.

"Are we there yet?" Reklamo ko habang kinakamot ang aking mga binti dahil sa makakating talahib. Ang ibang parte ng aking balat ay dumudugo na dahil sa tindi ng aking pagkamot.

"Maglakad ka lang dyan at wag mag reklamo. Malapit na tayo." Nilingon ko ito at muling inirapan.

Tama nga sya, malapit na. Humigit isang oras lang naman kaming naglakbay hanggang sa nakarating kami sa isang talon.

Literal na bumagsak ang aking panga dahil sa sobrang ganda nito. Napapalibutan ito ng mga kahoy at halamang gubat. Nakakatuwa dahil nag ala-kurtina ang agos ng tubig mula sa itaas. Pinasadahan ko ito ng tingin mula kaliwa hanggang kanan. Tiningnan ko si Rafael na tahimik na nagmamasid, hawak ang kabilang dulo ng kadena.

Hinubad ko ang napunit kong t-shirt at tumalon sa tubig. Napakasarap sa pakiramdam! Ang lamig!

Dinungaw ko si Rafael na ngayon ay nakatalikod na at nakaupo sa isang bato. Binitawan nya ang kadena kaya laking tuwa ko dahil makakalangoy ako papalayo.

Sumisid akong muli sa tubig. Kitang-kita ko ang mga bato sa ilalim. Mga dalawampumg talampakan ang lalim nito pero napakalinaw pa rin ng tubig. Nasa gitnang bahagi na ako nang biglang bumigat ang aking paa. Tila hinihila ako pababa!

Pinipilit kong umahon gamit ang natitirang lakas ngunit hindi ko magawa. Nawalan na lang ako ng ulirat nang hindi ko na makayanang hilain pa ang aking katawan paitaas.





"FUCK! BARBARA!"






VOTE. COMMENT AND BE A FAN.

eychtee

Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon