Kabanata 15

9.1K 209 8
                                    






NAABUTAN ko si Leo at Amanda sa sala na parang may pinag-aawayan. Nagbabangayan silang dalawa. Si Amanda itong nagtatapon ng mga mura at tinutulak-tulak si Leo sa dibdib. Nasa likod nila ako at matindi pa ang tensyon sa pagitan nila kaya hindi nila ako napansin. Napagdesisyunan kong lumapit at pagsabihan silang dalawa na tumigil sa pag-aaway.





"Could you--" Natutop ko ang aking bibig nang biglang hilahin ni Leo si Amanda at hinalikan. Damn. This is awkward. Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa pinto.





"Barbara." Tinig ni Leo.





"Uhh yes?" Ngumisi ako ng hilaw at nagkunwaring walang nakita.





"Maghapunan ka na. Ipinaghanda ka ng pagkain ni manang. May pupuntahan lang kami ni Amanda."





"Okay." Matipid akong ngumiti at nagmartsa papaalis sa harap nila. "Wait!"





Sabay silang lumingon at nakita kong hawak-hawak ni Leo ang kamay ni Amanda kahit nagpupumilit itong tanggalin.





"May sasabihin sana ako sa'yo mamaya. Sige mag-ingat kayo."





Natapos akong maghapunan at ngayon ay nakaupo na naman sa veranda ng aking kwarto. Gaya ng ginagawa ko halos araw-araw dahil walang magawa. Naidlip ako saglit dahil sa lamig ng ihip ng hangin at naalimpungatan ng makarinig ng katok sa upuang aking sinasandalan.





"Are you awake now?"





"Yes. Of course."





"I'm sorry to wake you up. May sasabihin ka diba? And besides, kailangan mo nang pumasok. Masyado nang malamig dito sa labas."





Tumayo ako at inayos ang suot na damit.





"Kamusta ka'yo?"





"Kami ni Amanda?"





"Yup. Nakita ko kasi ang pag-aaway ninyo kanina. I'm sorry I intruded."





"It's okay. That was just a mere kiddy fight. Don't mind it. So, what are you going to say?"





"Ahhh ganun ba. Nais ko sanang sabihin sa'yo na maraming salamat talaga sa pagpapatira mo dito sa'kin. Hindi-hindi ko ito makakalimutan. Masyado na kasi akong nakakaabala. Kaya napagdesisyunan kong umalis na."





"Rafael is going to fetch you tomorrow right?" Humalakhak sya at hinimas ang gitna ng kanyang pang-ibabaw na labi at ilong.





"How did you know that?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa desisyon ni Rafael. Hindi ko rin naman napag-isip-isip na nakokontrol nya ako dahil hindi ito sumagi kahit isang beses sa aking isip. Ngayon lang. Was my decision right? Am I right to follow Rafael?





"Tinawagan nya ako kanina. He told me he's going to get you back. Alam ko rin na umalis kayo kanina."





"So you know what I was about to say all along. Damn."





"Yes Barbara." Humalakhak uli siya. "Rafael is very territorial. Just so you know. Ayaw nya na may humahawak ni tumitingin sa mga bagay na pag-aari nya. Declared or not. Here." Iminuwestra nya sa aking harapan ang isang malapad na bracelet. That thing looks very familiar.





"What's that for?"





"It's yours. Natanggal sa paa mo nung iniligtas kita sa ilog."





Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon