Kabanata 8

13.2K 269 13
                                        

DINUNGAW ko ang malditang babae na biglang nagsalita. Ni hindi ko man lang napansin ang biglaang pagsulpot nito sa kwarto. Nakasuot ito ng hapit sa katawan na semi formal attire at two inches black corporate shoes. Maganda ang hubog ng kanyang katawan kahit masyado pa syang bata tignan. Kulot ang buhok sa dulo at katulad ko ay kulay brown din ito. Ang kaibahan lang ay ang gold highlights ng aking buhok.

Walang ka-emo-emosyon ko syang tinitigan dahil sa anghang ng pag-uugaling ipinakita nya. Ito na siguro ang babaeng ikinuwento ni Leo sa akin.

"You're Amanda right?" Tanong ko sa mala-awtoridad na boses.

Suminghap sya at kinalas ang mga braso mula sa pagkakalapat. Rinig na rinig ko ang ingay na dala ng kanyang makintab na itim na sapatos habang dahan-dahang naglakad papalapit sa amin mula sa pintuan. Bawat galaw nya ay sumisigaw ng karangyaan subalit pansin ko'y pinipilit nya lang maging malakas tignan. Halata sa paraan ng kilos nya na hindi natural at pinagsasanayan lamang.

"Who told you my precious name?" Maarteng saad nito.

"Si Leo."

"Oh really?" Lumapit sya sa akin at ikinrus ulit ang mga braso sabay yuko. Nakaupo lang kasi ako sa kama kasama ni manang nung binalot nya ang sugat ko.

"Why? Do you have a problem with me... Amanda?" Tumayo ako at pumantay sa kinatatayuan nya.

"Nothing. Unless you push your self to him. Well. I have to get rid of you too then." Ngumisi sya at itinaas ang isang kilay. Humalakhak ako at itinaas rin ang aking isang kilay.

"The way you speak, seems like you own him huh." Tinitigan ko sya ng mariin at tinaasan ulit ng kilay.

"Ma'am Amanda Ma'am Barbara--"

"How dare you!" Itinaas nya ang kanyang isang kamay at aakmang sasampalin ako. Bago paman nya maitama ay agad ko itong hinawakan ng mahigpit. Pumula ang kanyang pisngi nang hindi ko pa ito binitawan.

"Don't ever dare to let your dirty hands touch my gorgeous face if you don't want to walk out of this room with one arm." Pabagsak ko itong iwinaksi, dahilan upang mangiyak-ngiyak siya sa sakit.

"What's going on in here?" Galit na bumulagta ang mukha ni Leo matapos kaming makita nang pumasok sya sa silid. Agad kong inayos ang aking sarili gayun din si Amanda. Ilang sentimetro lang ang agwat ng aming tangkad kapag huhubarin nya ang kanyang sapatos. Matangkad nga sya sa edad nyang iyan kahit hindi ko naman alam.

"Leo. Anong kailangan mo?" Pagwawala ko sa maaaring nasaksihan nya. Nakita kong pumula ang pisngi ni Amanda matapos makipagtitigan dito bago yumuko.

"I just want to check you out." Kitang-kita ko ang pagbagsak ng panga ni Amanda. Tila ba'ng gulat na gulat sa narinig. "What are you doing here Amanda?" Napaatras ito at pumula ang mga mata, nagpipigil sa mga luhang nagbabadyang lumabas. Huminga sya ng malalim at hinarap si Leo na nakangiti.

"Yaya Meding called and told me you're back. Where did you go? I have been waiting for you." Garalgal na sambit nito.

"None of your business Amanda. Umuwi ka na."

"Why do you want me to leave? Is it because of this bitch?" Mataas ang tono ng kanyang boses habang nanggagalaiting itinuturo-turo ako.

"Stop it Amanda. Just go ho--"

"Hell no! You wanted me to go home because of this ruthless bitch!" Nagulat ako sa sinabi nya dahilan upang aakmain ko na sanang supalpalin ang kanyang pagmumukha kung hindi lang biglang galit na tumaas rin ang boses ni Leo.

"GET OUT OF MY HOUSE. NOW!" Hindi maipinta ang inis na nakaguhit sa kanyang mukha. Ngayon ay tumulo na talaga ang mga luha sa mga mata ni Amanda. Mariin nya itong pinunasan at padabog na naglakad paalis.

Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon