Kabanata 10

11.3K 212 1
                                    

BIGLA akong nakaramdam ng kakaiba sa aking dibdib nang banggitin nya ang isang salita tungkol sa lalaking iyon. Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Literal na hari? o palayaw lamang? Wala akong nakuhang solusyon sa pagkakalito ko ngayon kaya imbes na mag-isip ay pumanhik nalang ako sa kusina at sinamahan sila sa salu-salong naganap.

"Here." Iminuwestra ni Amanda sa harap ni Leo ang hiniwang cake.

"Have you done something to him Amanda? Sort of peace offering?" Ngumisi ang lalaking nagtanong na agad naman nyang inirapan. Tinanggap ni Leo ang cake at nagsimulang sumubo.

"Barbara! Join us! You sit here." Inalalayan ako ng lalaking nanudyo kay Amanda kanina. Napahalakhak ako ng mahina sa kapilyuhan nilang tatlo. Sa edad nilang iyan ay hindi nakapagtatakang marami ang kalokohang nalalaman.

"Bro! Ipakilala mo naman ng maayos si Barbara sa amin. Pangalan lang ang binanggit mo kanina. Wag kang KJ!"

"Oo nga bro! Uhhhmm Are you his new secretary Barbara? Did he fired Ralph?" Bumilog ang aking mga mata sa naging tanong nila.

"N..no. Uhhh I am his.. his.."

"She's the daughter of Henry Fortaleza." Bumagsak ang mga panga nila pati si Amanda. Ako naman ay biglang nanigas at hindi maigalaw ang mga kamay.

"What the?"

"Barbara Fortaleza died a week ago!"

"Are you kidding us? Damn!"

"Is it true Barbara?" Gulat na gulat na tanong ni Amanda sa akin. Hindi ko sya matignan sa mga mata. Nakatitig lang ako sa hiniwang cake at dahan-dahang tinutusok ng tinidor.

"It was a misunderstanding or perhaps a set up." Makabuluhang sagot ni Leo.

"I can't believe you're that girl on the news! I'm so stupid to not think of it. Damn. How come?!"

"Sorry for not recognizing you immediately Barbara. We haven't seen you before. Only your picture on tv. You really just look prettier in person." Pumungay ang kanilang mga mata ngunit nakakunot pa rin ang noo ni Amanda. Hindi makapaniwala.

"You mean, your death might be a set up or something? Or someone wants to kill you?" Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot kaya nakatitig lang ako sa kanya. Pribado naman kasi ang pagkatao ko simula pa noong ako'y isinilang. Bukod sa ayaw nila mama at papa na makilala ako ng publiko ay ayoko rin naman sa bagay na iyan. Sa school lang may maraming nakakakilala sa akin at hindi sa mundo ng pera. Kung meron man ay kakaramput lang.

"We haven't figured it out yet. She just have to be protected." Mahinang banggit ni Leo.

"You really care for her, don't you?" Tumaas ang isang kilay ni Amanda at bahagyang pumula ang pisngi dahil sa halatang tinatagong inis. Ramdam ko ito nang pumako ang nagbabagang bola ng kanyang mga mata sa akin.

"Everyone does Amanda. Relax." Natatawang sabi ng isa sa mga pinsan ni Leo. Sumubo ako ng isang kutsara ng cake at mas dinamihan pa para hindi na nila ako batuhin ng mga tanong. Agad naman nilang napansin kaya tumahimik nalang sila habang ipinagpapatuloy ang pagkain kahit nakabusangot ang mukha ni Amanda.

"Change. We have to go now. And don't ever let me wait for another couple of minutes. Or I'll kill you." Napadungaw ako sa kanya mula sa pagkakayuko at bahagyang napatango.

"Sa'n kayo pupunta? Sama kami." Nakangising banggit ng isa sa mga pinsan ni Leo.

"No. The thing doesn't fit for you three." Sinipat ni Amanda si Leo na nagpupunas ng table napkin sa kanyang bibig. "Four rather."

"By the way Amanda. I'm William. The eldest. Just call me Liam. He's Marco, my brother." Sabay tapik ng nagtanong kanina tungkol sa pupuntahan namin. Siya pala ang pinakamatanda sa kanilang tatlo. Kaso mas matanda ako ng isang taon sa kanya. Nakakatawa namang hindi nila napansin sa hitsura ko ang aking edad. "And he is Bertholdt. We're cousins. I hope Leo mentioned that."

Tears Of The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon