NAGISING ako na halos mabuwal ang dibdib sa pagkakadiin ng mga kamay dito sabay buga ng mainit na hangin mula sa napakalambot na mga labi sa aking bibig. Nang maalimpungatan ako sa realisasyong hubo't hubad ang aking pang-ibabaw na parte ng katawan ay agad akong bumangon, dahilan upang mauntog ako sa isang matigas na bagay.
"ARAY!" Sabay naming sigaw ni Rafael. Napaubo ako ng ilang beses kasabay ng pagtakip sa aking dibdib.
"May bukol na nga ako sa ulo, dadagdagan mo pa!" Napangiwi ako matapos singhalan ang namumutla nyang mukha. Para bang di masukat ang pag-aalalang nakaukit dito. Kunot-noong pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay hinubad ang suot na kulay abong sando at inihagis sa aking mukha sabay iwas ng tingin.
"Wear that. It's not even nice to look at." Umirap sya nang tinitigan ulit ang aking buong katawan. "Hindi na nga nagpasalamat, nagalit pa. Damn life." Tumalikod sya at nag-dive sa tubig mula dito sa malapad na bato.
"Che! Manyak mo! Malunod ka sana!" Sigaw ko kahit hindi naman nya maririnig.
Kitang-kita ko ang pailalim na paglangoy nya hanggang sa hindi ko na naaaninag ang kahit isang parte ng kanyang nakakabighaning katawan. Ngumisi ako sa ideyang pagkakataon ko na ito para makatakas. Mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo kahit nakasayad ang mahabang kadena sa aking paa. Tuluyan na sana akong makakalayo nang bigla akong sumalampak sa mabatong daan. Napaungol ako ng malakas sabay lingon sa dulo ng kadena. How can he manage to put it in between those huge rocks?
"Shit!" Tinignan ko ang aking mga tuhod na nabahiran ng gasgas at dugo. Pati ang kaliwang siko ko ay hindi pinatawad ng mga walang hiyang batong ito. Lumandas sa aking mga mata ang maiinit na luha at buong lakas akong umiyak dahil sa hapdi at sakit. Ngayon lang din ako nasugatan. Kahit nung bata pa ako ay hindi pinapahawak nina papa at mama ang anumang laruan maliban sa mga teddy bear na ginawa kong koleksyon sa aking silid.
"Tsk tsk tsk I knew you would run Barbara. Now look what happened to your.." Natigilan sya matapos makita ang aking tuhod nang tuluyan na syang makalapit mula sa tubig, bitbit ang dulo ng kadena. Napalitan ng galit ang nanunudyong reaksyon ng kanyang mga mata. Kinalas nya ang kadena sa aking paa gamit ang susing hawak-hawak, na panghawi sa lock na nakasabit dito. Iniligpit nya ito at walang ka-emo-emosyong inabot sa akin. Pumipiyok ang bawat paghinga ko sa pagtanggap nito. Piniko nya ang kanyang mga tuhod at ipinulupot ako sa pagitan ng kanyang mga braso. Diretso lang ang tingin nya sa daan habang naglalakad pabalik sa kubo kaya pinipilit kong iwala ang bawat ingay na lumalabas sa bawat paghinga ko. Nahihirapan pa ako sa pagtakip ng nakalantad kong dibdib na hindi lahat ay natatabunan nitong sando. Naiwan sa talon ang suot kong t-shirt mula kahapon, sapatos, bra at pati pantalon na inalis nya kanina nang malunod ako. Sa ngayon ay pinag-iisipan ko pa kung paano ko tatakpan ang buo kong katawan kapag babawiin na nya ang damit at wala na akong maisusuot gayong basa pa naman ang undie ko. Dumaan ang ilang minuto at maluwalhati kaming nakabalik sa impyerno. Dahan-dahan nya akong ibinaba sa tabi ng puno.
"Why are putting me back here? Pauwiin mo na ako." Mahinahon kong sabi ngunit nakabusangot ang mukha. Hindi nya sinagot agad ang mga sinabi ko. Sa halip ay kinuha nya ang kadena sa aking mga kamay at ibinalik sa dati nitong pwesto. Matapos i-lock ang magkabilang nitong dulo ay itinukod nya sa lupa ang kanang tuhod at hinarap ako.
"I'm not yet done with you Barbara. Mananatili ka dito sa ayaw at SA AYAW MO." Natigilan ako sa sinabi nya.
"Buti naman at alam mong talagang ayaw ko dito. I fucking hate it here and you are locking my ass up. in. here." Buong lakas ko syang itinulak kaya nawalan sya ng balanse at tumama ang likuran sa lupa. Galit syang bumangon at hinawakan ako sa magkabilang braso ng mahigpit. Namilipit ako sa sobrang sakit kaya uminit ang aking mga mata na tinitigan sya mula sa pagkakapikit.
BINABASA MO ANG
Tears Of The Devil
Ficțiune generalăThree Kings Series [Book One] Barbara Fortaleza is a woman of beauty. Just like Helen of Troy, her face could launch a thousand ships. Pero sa likod ng kagandahang taglay nito, nakasilip ang isang pagkakamali ng nakaraan. She will be chained by a ki...