CHAPTER 5 - The Seeker's Revenge

140 12 45
                                    

Ang nakaraan....

Humahangos na tumakbo palabas ng Detention Room si Joshua matapos ma-recieve ang notification mula sa wattpad SEER... May shadow figure na nagtatangkang sumaksak kay Monique...

Ano na ang kahihinatnan ng Nerds Club matapos ang trahedya sa kanilang proyekto?

Sino-sino pa kaya ang limang nakatanggap ng notification ng wattpad SEER?

~~~~~~~

Sa pagpapatuloy....

<Seer updated his book>
3:00pm, Wednesday, Year 2015

Clash of motives begun
Read the wordplays and pun,
Seer will eliminate you one by one.

Heto na naman ang notification ni SEER; ang totoong misteryo at dahilan ng lahat. Hindi ko pinapansin ang notification na mula kay Jephthah dahil kilala ko ang tunay na SEER. Tama kayo, dalawa ang account na nag-exist at alam kong kathang-isip lang yung isa. Kaya nga kung mapapansin ninyo wala ako sa eksena palagi, di ba?

Kung tutuusin, malapit ko nang isiwalat ang lihim, ngunit lubhang tinatamad akong ilahad. Mas pipiliin ko pa ang uminom ng kape at kumain ng nilagang itlog o kamote.

*Insert Rewind Tape SFX as Flashback Sound*

Ako si Arvie, ex-Geeicks, noob ng Nerds; coffee maker sa umaga, alchemist at techie sa gabi.

Misteryo kung bakit kape ang hilig ko, although pwede akong gumawa ng ibang concoctions. Siguro ay mas madaling ihalo doon ang homogenous mixes ng sedatives at poisons; oo, tama kayo, poisons. Mayroon akong paboritong aklat na pinamagatang The Poisoners Handbook. Kaya mag-iingat kayo, dahil hindi ninyo alam kung sino talaga ako.

I don't like to be under the power of a human. Sa parallel world nga hindi ako basta-basta lang, tapos dito, coffee maker? Joke 'to?

I'm a Phoenix, mula sa Fire Nation (oops, hindi po yung sa Avatar: The Last Airbender ito ha :P). Ang Fire Nation naman ay matatagpuan sa UnderWorld. (nasa ilalim kasi siya ng mundong ito.) Dumaan ako sa Fiery Gates of Gaia upang makarating sa world ng mga mortal. Ang nabasa ninyo sa introduction ay ang mortal form ko at ang personality ko.

Since I have powers, I can transform any way I want to adapt. Phoenix' can bless you with any wish you will want, but it has limits and I'll collect the price when the time comes. Some of my abilities are meant to be secret. Why? Eh, baka mawala tayo sa tunay na plot ng kwento.

Minsan pumapasyal ako sa ibang universe gamit ang nasabing gate at madalas akong tumigil sa mundo ng mga mortal. Doon, nakikita ko kung gaano nalang ang haba ng itatagal mo sa mundo. Hindi ko man alam kung paano ka mamamatay, ngunit makikita ko sa apoy na naglalagablab sa dibdib mo.

Bakit ako nandito? Dahil tinulungan ko ang isang ordinaryong mortal, na tinatawag nating, SEER.

Kilala ko siya. Ngunit kapag isiniwalat ko na kung sino siya, eh di, tapos na ang kuwento, di ba? Magaling siyang magtago, ngunit sa aking mga paningin, hindi niya kakayanin.

At kung ano ang ginawa kong tulong sakanya?- ang kakayahan na makita ang tadhana ng ibang tao.

Ngunit, hindi na siya ang dating SEER na kilala ko; ang dating may mababang-loob na palaging minamaliit ng iba, ang mortal na palaging bullied at nagtangkang kitilin ang sariling buhay sa dami ng naranasang pagsubok. Nalaman ko na ang pagnanais niya, na balang araw ay mapansin at maging kilala, ay mayroong masamang bunga.

May misyon ako, at habang nauupos ang buhangin ng aking orasan sa aming mundo, ay dapat ko nang maisakatuparan iyon. May mga mamamatay at mayroon ding mabubuhay kapag successfully kong mabawi ang kakayahan ni SEER.

Wattpad SeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon