CHAPTER 9 - /D/

72 9 10
                                    

*You have one message*

<From Diana, to Avria...>
"Avria, hanggang ngayon di ko pa rin nagagawa ang mission ko. I'm sorry"

 

... 'Yun ang text ko sa leader namin. Sa leader ng Bullies.

Tama! Hindi kayo nagkakamali, parte nga ako ng grupong tinatawag niyong Bullies.

Akala niyo nerds at geeks lang ang merong club ? Mali kayo ng inaakala... mayroon din ang mga bullies.

Mayroong special mission na ibinigay sa akin ang aming leader.

At 'yun ay kuhanin ang leader ng Nerds, si Jehf....Jepp....Jeff.... Jephthah.

(Sa totoo lang sa tinagal-tagal ko siyang sinusundan di ko pa rin mai-spell ng maayos ang name niya.)

Okay, back to the story...

Ako si Diana. Lingid sa kaalaman ng LAHAT, kaya kong magpalit-palit ng katauhan, itsura, mukha, boses at kung anu-ano pa. Mahigit sa isang libong pagbabagong anyo ang nagagawa ko. Kaya ko rin magpalipat-lipat sa iba't ibang katawan. Creepy right?

Ano ang dahilan kung bakit ako ganito?

Ang dahilan ay hindi ko rin alam. Ang buhay ko ay isang misteryo. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay. Hindi ko alam kung may pamilya ba ako. Wala akong alam sa sarili ko.

 

*Play Notification Sound Here*

<From Avria, to Diana..>
"It's okay. But please be sure to get him"

 

... 'Yan ang reply sa akin ni Avria.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit kailangan namin kuhanin ang leader ng Nerds?

Masyado nang naa-agrabiyado ang mga Bullies. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami masama eh. Nagtatago lang kami sa mga pang-iinis, pananakit at panghuhusga para maitago ang mga kahinaan namin. Kami na lang kasi palagi ang nasisisi sa tuwing may nangyayaring kakaiba sa school. Pero sa totoo lang, ang totoong gumagawa ng mga kakaibang pangyayari ang Geeicks.

Ayon sa kwento ni Avria, dating member ng Bullies ang leader ng Geeicks. Ngunit sa isang pagkakamaling nagawa niya ay napatalsik siya sa grupo. Siya ay kumitil ng buhay. Pinatay niya ang kapatid niya na member din ng Bullies. At ayun nga, sumapi siya sa Geeicks para makapaghiganti siya sa mga Bullies...

Balik tayo sa dahilan kung bakit namin kailangan kuhanin ang leader ng Nerds.

Makikipagkasundo kami sa Nerds na makipag-merge ng club para mas lumakas kami. Sabihin niyo nang manggagamit kami. Ipinadala nila ako sa Nerds para magmatyag.

At ayun nga, naging secretary ako ni Jehp na mas nagpadali para sa akin na kilalanin siya. Hindi lang naman si Jehp ang inoobserbahan ko. Lahat sila. At marami na akong nakalap na impormasyon sa kanila.

Una, alam kong taga-ibang planeta si Jili. Bukod sa mga kilos niya ay ang lawak ng imagination niya. Ang normal na imagination ng isang normal na tao ay nasa 80% lamang pero kay Jili ay umaabot ng 94-95%. Amazing right?

Pangalawa, alam kong member sila Marvilou, Jed, Jethro, at Joshua ng club na kinumumuhian namin; ang Geeicks.

Pangatlo, alam ko ang lahat ng kanilang binabalak.

Pang-apat, alam kong may lihim na pagtingin si Jahpet kay Jili. Hmp.... Di naman kasi halata sa kanila eh. Tulad ngayon... ayy wait! Nasabi ko na ba sa inyo na kasama ko ang mga Nerds ngayon?

Wattpad SeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon