CHAPTER 2 - Project TWS

216 14 40
                                    

"Wow! Good work nerds, congrats on a job well done. Especially kay Jili, ang galing nung introduction mo sa'kin. The best! Sige magpahinga na muna kayo dahil alam kung napagod kayo. Be sure to be ready for our plans tomorrow."

Yun ang speech ko sa mga members ng Nerd Club sa aming hideout na nakatago sa school. Ang secret hideout namin ay mahahanap sa... ops! Di ko pala pwede sabihin. Hehehe... kaya nga secret.

Nagsipalakpakan ang mga nerds at nakipag "nerd shake" sa mga ka-nerd nila. At sila'y nagligpit ng mga gadgets na ginamit nila sa operation.

Anim lamang ang myembro ng club na ito: Sina Marvilou, Glaiza, Jili, Jahpet, Diana, at Jethro.

Ako ang lider, Jephthah the Dematerializer... Binigyan ako ng bansag na 'yan dahil sa imbensyon kong bracelet na nakakapagpalaho saakin. Hindi lamang naglalaho sa paningin, nagiging parang kaluluwa din; hindi ako mahahawakan or masasaktan.

Of course, in progress pa ang imbensyon. So far, yung bracelet pa lang ang natapos, wala pa ung functionality na makapag-dematerialize. Hahaha! Eto rin naging inspiration ko sa pagsulat ng book na "Worlds of Cray: Lami Nye Si Heart".

Ang pinaka nerd ay si Jethro (para malaman kung ano ang pagkatao ni Jethro, basahin ang Jethroom na isinulat ni JoshuaOrobia). Siya ang nagmo-monitor ng mga screen.

Sunod si Jahpet... Pet Bird ang tawag namin sakanya. Malaki kasi ang kanyang... biik. -_- Mahilig siya magbasa ng mga kung ano-anong libro. Magaling din naman sa Math at mahilig magpapansin kay Jili. Madalas ko silang nahuhuli na nagchachat sa Facebook, minsan kasi nalilimutan nila na group chat pala ang thread na pinagse-send-an nila ng message. Hahaha. Si Pet Bird ang in-charge sa pag-set up ng mga bugs and cameras.

Sunod ay si Glaiza... Scintillate ang kanyang code name. Siya ang in-charge sa correction ng mga dialogues at grammar na ginagamit namin sa mga operations. In short, siya ang aming proof reader.

Sunod ay si Marvilou... Arvie ang tawag namin sakanya. Siya ang aming tagatimpla ng kape. Sarap niya gumawa ng kape. hehehe.

Si Jili nmn ay mahilig mag 'alien talk'. Nakuha niya ito sa planetang Metanoia daw (isang mundo na sa panaginip niya lang matatagpuan). Siya ang aming Public Information Officer.

Si Diana naman, a.k.a. Catana ay ang aming secretary, siya ang nagdodokumento, sa larangan ng pagsusulat, ng lahat ng nangyayari.


~FLASHBACK~

3:00pm

*Ting ting ting ting*

"Handa na ba ang lahat ng kailangan para sa ating Project TWS?" tanong ko sa mga kasama ko. Pagkatapos akong mahalal sa aming Nerd Club, naipasa agad ang first proposed project ko:

Project TWS

Ang aming misyon ay manalo sa isang contest na pagandahan ng reality video: "Amazing Videos of the 21st Century". Ito ay may premyong 1 Million Pesos!

Pinaplano naming magtayo ng scholarship program for the indigent geniuses ng school namin, gamit ang 1M kung mananalo.

"Anong oras nga po ulit tayo magkikita bukas kagalang-galang na pangulo?" tanong ni Pet Bird. Sadya siyang makakalimutin sa mga napag-usapan.

"4:00am Pet Bird, dapat andun ka na, para i-set up ang mga camera at bugs sa school. So, mauuna ka. Then, magkikita-kita tayo sa Canteen at 12 sharp. Don't be late!" sagot ko deritso at biglang sigaw ng, "Meeting Adjourn!"

Wattpad SeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon