Prologue

24.7K 333 14
                                    

Prologue

Sabi nila, ako daw ang taong maraming sikreto, maraming tinatago. Sabi naman ng iba, nasa loob ang kulo ko. Tama naman sila.

I am a woman of many secrets.

Kahit ang totoo kong pangalan ay isa ring lihim ng pagkatao ko.

Kilala ako bilang si Glaiza Ambrosio. Pero ang totoo, ako si Isabelle Yen-Chua. I'm 1/4 Filipino, 3/4 chinese. My Mom is half pinoy-chinese while my Dad is pure chinese. When I was 11 years old, my parents were murdered by the group of drug syndicate and I was the sole witness. Pinagtangkaan din akong patayin pero sa kabutihang-palad ay nakaligtas ako. Itinago ako ng mga kaibigan ng magulang ko at para maprotektahan ang identity ko, dinala ako sa isang orphanage at binigyan ng panibagong pangalan. At the age of 13, inampon ako ng mag-asawang Carmen at Raul Ambrosio and that's where I got my name now.

Hindi ako ang taong madaling nagtitiwala sa iba dahil sa mga naging mapait na karanasan ko sa buhay.

Una, pinatay ang mga magulang ko at ayokong ipagkatiwala ang lihim kong iyon kaninuman.

Pangalawa, iniwan ako ng kinilala kong pangalawang ina.

Nasa third year college na ako sa kursong HRM nung sumama si Mama Carmen sa ibang lalaki. Labis iyong dinibdib ni Papa Raul kaya nilulong nito ang sarili sa alak hanggang nabaril ito dahil sa pag-aamok. Ako ang labis na naapektuhan dahil nahinto ako sa pag-aaral at napilitang magtrabaho bilang isang call center agent.

At ang pangatlo, iniwan ako ng taong labis kong minahal sa panahong kailangang-kailangan ko siya.

Ngayon tatanungin kita. Sa tingin mo ba, magagawa mo pang magtiwala kung ang mga tao sa paligid mo na napalapit at napamahal na sa'yo ay iiwanan ka lang din?

Para sa akin, hindi na.

Hinding-hindi na ako kailanman magtitiwala.

Kahit sino o kahit kanino.

The Doctor's WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon