Chapter 3

16.6K 324 24
                                    

Chapter 3

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi pa ako handang makaharap siya. Sa lahat ng pwede kong makita, bakit siya pa? Bumalik lahat ng mga alala lalo na ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko sa hindi ko inaasahang pagkikita namin ngayon.

Sa isiping iyon ay muling nabuhay ang galit at poot na nakatanim sa puso ko. Ang pagkasuklam sa kanya. Umalon ang dibdib ko sa emosyong biglang nangibabaw. Nakuyom ko ang mga palad ko para pigilan ang panginginig niyon na halos bumaon ang mga iyon sa palad ko.

Alanganin siyang lumapit sa akin at matipid na ngumiti. "Hi, how are you feeling now?" Tanong niya.

Nagawa mo pang ngumiti na parang wala lang nangyari?

Hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip ay tumayo na ako kahit nanghihina pa ang katawan ko. Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to. Ayoko ng makita pa kahit ang anino niya.

"'Wag ka munang tumayo. Dinala ka dito ng mga kaibigan mo nung isang araw dito sa clinic ko." Sabi pa niya.

Nung isang araw pa ako dito? At clinic n'ya to? Binibiro na naman ba ako ng pagkakataon?

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay pinagpatuloy ko ang paglakad na parang walang narinig. Ni ayaw ko siyang makausap.

Malapit na ako sa pinto ng bigla niya akong hawakan sa braso kaya napapitlag ako at marahas na iwinaksi ang kamay niya.

"'Wag mo akong hawakan." Madiin kong sabi sa kanya na halos hindi bumuka ang bibig ko sa pagkakasabi ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagrehistro ng sakit sa mukha niya sa sinabi ko o siguro'y guni-guni ko lang 'yon. Lihim akong napangiti ng mapakla. Bakit naman siya masasaktan?

"Pero hindi ka pa magaling---"

"Wala ka ng pakialam kung magaling na ako o hindi." Tumalikod na ako sa kanya.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla siyang humarang sa dadaan ko kaya napahinto ako.

"Glaiz---"

"Tumabi ka d'yan." Nagtatagis ang ngiping sabi ko. "Ano pa bang kailangan mo? Kung ang bayad sa pag-stay ko ang problema mo, 'wag kang mag-alala babayaran kita kahit doble pa. Ipapadala ko na lang dito."

"No, i-its not that."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hindi naman pala eh. Umalis ka diyan kung hindi sisigaw ako. Isa..."

Pero hindi siya natinag. Hinahamon niya ba ako? Sisigaw talaga ako.

"Please. Can we---"

"Dalawa."

Magsasalita pa uli sana siya pero nang makita niyang seryoso talaga ako sa sinabi ko ay tila nanlulumong umalis siya sa daraanan ko.

Agad kong binuksan ang pinto at dali-daling lumabas na. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko pero hindi ko na alintana iyon. Lakad-takbo ang ginawa ko kahit na walang partikular na direksyon. Ang mahalaga ay makalayo ako sa kanya.

Ano pa bang kailangan niya? Malinaw naman niyang pinarating sa akin dati na hindi na niya ako kailangan. Na wala na akong silbi sa buhay niya.

O siguro'y assuming lang ako. Baka wala naman siyang kailangan at nakalimutan na niya ang nangyari dati. Siguro kinakausap niya lang ako dahil ginagampanan niya lang ang responsibilidad niya bilang doktor o marahil ay for old time's sake.

Pagak akong natawa. For old time's sake my ass. Bullshit!

Parang deja vu lang ang nangyayari dahil heto na naman ako, naglalakad ng walang patutunguhan. Wala akong nakikita dahil naka-sentro ang utak ko sa unexpected meeting namin kanina. Pakiramdam ko'y ako lang ang paboritong paglaruan ng tadhana.

The Doctor's WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon