Chapter 6

13.1K 249 15
                                    

Chapter 6

Mahigit isang buwan na mula ng huling pagkikita namin ni Francis at hanggang ngayon ay hindi na siya nagpakita pa sa akin. Siguro napagisip-isip niya na wala na siyang babalikan pa sa akin. Mabuti na rin yun dahil sa bawat pagkikita namin ay tila muling pagsariwa ng hindi pa tuluyang hilom na sugat.

May parte sa kaibuturan ko na tumututol sa naging desisyon ko pero nananaig pa rin ang paninindigan ng sugatan kong puso.

Ayoko na siyang bigyan pa ng pagkakataon na muling durugin ang puso ko. Ayoko nang muling maranasan ang hapdi at kirot nang iwan niya ako sa ere.

Nakakatakot.

Nakakabaliw.

Pinilig ko ang ulo para iwaksi ang anumang isipin tungkol sa kaniya. Pinilit ko na lang ituon ang atensiyon sa pinapanuod kong pelikula. Ako lang ang tao ngayon sa apartment dahil may kanya-kanyang lakad ang apat kong kasama. Si Sabrina naman ay na-book ng dalawang linggo kaya malamang sa susunod na linggo pa yun uuwi dito. Mayamaya'y narinig kong tumunog ang cellphone ko. Si Sabrina.

Bru, sinabi ko kay Christian na pumunta ka dito kahapon. Sayang daw at hindi kayo nagpang-abot. Napa-plano siyang mag-bbq party kasama ang mga friends niya. Gusto ka daw niyang makilala.

Napangiti ako. Pinuntahan ko kasi siya kahapon sa condo ng boyfriend niya para makilala ito kaso hindi ko na nahintay dahil may nag-request sa akin.

Ni-reply-an ko siya.

Oo ba. Sabihin mo sa kaniya pakainin niya ako ng marami ha :p

Si Christian ang nag-book kay Sabrina nung nakaraang linggo at sinabi niya sa akin na boyfriend na niya ito. Alam kong masyadong mabilis pero hindi na ako kumontra pa dahil nakikita ko namang masaya siya. Na-love at first sight yata si Mr. C sa kaniya kaya hindi na siya pinakawalan pa. Matagal ko ng kilala si Sabrina at wala pa akong nakitang nagseryoso siya sa isang lalaki kaya kung masaya man siya ngayon ay susuportahan ko siya.
P
Kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon pa ako ng lovelife dahil para sa akin tapos na ang kontrata namin ni pag-ibig. Expired na kumbaga.

Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi iyon galing kay Sabrina kundi kay Berry. Namutla ako ng mabasa ko ang text nito.

Apple, punta ka dito St. James Hospital. Nasaksak si Sugar, sinugod siya dito kaninang madaling araw. Ikaw na ang magsabi kay Honey.

***

"Mga lintik talaga! Pag nahuli ang mga hinayupak na yun kahit mata nila may tagas!" Nangigigil na himutok ni Berry na kanina pa palakad-lakad sa harap naming dalawa ni Peach. Galit na galit siya sa mga nananaksak kay Sugar. Hinayaan na lang namin dahil siya lang ang may pagka-warfreak sa aming lahat. Kahit ako ay galit din pero ang mahalaga sa ngayon ay ang kaligtasan ng kaibigan namin.

Nakaupo kami sa bench malapit sa room kung saan naka-stay si Sugar. Pare-parehong mugto ang mga mata namin. Parang magkakapatid na ang turingan naming lahat sa isa't isa kaya pag may nangyari sa isa ay nakadamay agad lahat.

Tinawagan ko na si Sabrina kaya siguradong mamaya lang ay nandito na yun. Ilang sandali pa ay natanaw ko na nga ito na humahangos papunta sa direksiyon namin, daig pa ang hinabol ng sampung kabayo.

"Kumusta na ang lagay niya?" Humihingal na bungad niya sa amin nang makalapit. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Stable na siya pero maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan niyang masalinan ng dugo." Si Peach ang sumagot sa tanong niya.

Tumabi siya sa akin habang pinipilit payapain ang paghinga. "Ano ba kasing nangyari sa kanya?"

"Naholdap siya at pinagsasaksak kaninang madaling araw malapit sa club." Sagot ko. Sumandal ako sa balikat niya.

The Doctor's WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon