Chapter 9

12.6K 260 29
                                    

Chapter 9

Mag-a-alas singko na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Mabigat na ang pakiramdam ng ulo ko. Kahit anong gawin ko ay ayaw akong dalawin ng antok.

Bwisit kasing lalaki na 'yun!

Hinawakan ko ang mga labing hinalikan ni Francis kanina. Halos mamaga na ang mga iyon sa kakukuskos ko pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang lambot ng mga labi nito. Pati ang amoy-alak nitong hininga na humalo sa pabango nito ay tila nanunuot pa rin sa ilong ko.

Ayokong magpakaipokrita na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya, patunay ang reaksiyon ng katawan ko nang halikan niya ako, pero mas nangingibabaw ang galit sa dibdib ko para sa kaniya.

Anong karapatan niyang halikan ako basta-basta na parang hindi niya ako pinagtabuyan noon? Anong karapatan niyang sabihin na gusto niyang bumalik sa akin na wala man lang eksplanasyon?

Iyon lang 'yun? Babalik siya dahil gusto niya?

Ilang taon akong umasa na babalikan niya ako pero hindi niya ginawa. Ilang araw, linggo, buwan at taon akong umiyak para sa kanya. Halos dinasalan ko na ang lahat ng santo bumalik lang uli siya sa akin, pero hindi ko na nakita ni anino niya.

Nasaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan ko siya? Nasaan siya noong mga panahong kailangan ko ng makakapitan at masasandalan?

Kung kailan tanggap ko na ang lahat ay saka siya babalik?

Ano 'yun, gaguhan? Fvckshit lang!

Kung siguro'y bumalik siya noong mga panahong umaasa pa ako, marahil tatanggapin ko siya ng buong puso at wala ng tanong.

Pero iba na ngayon. Ibang-iba na ako sa dating Glaiza na kilala niya. Malayo na ako sa dating Glaiza na tanging sa kanya lang umiinog ang mundo. Hindi na ako ako ang dating Glaiza na isang sorry lang galing sa kanya ay okay na. At lalong hindi na ako ang Glaiza na makukuha agad sa salitang 'I want you back'.

Hah! Isa lang ang masasabi ko.

Tangina niya.

***

Nagising ako sa katok sa pinto ng kwarto ko. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo nang bumangon ako dala ng kakulangan sa tulog. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko. Pasado alas-nueve na ng umaga.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang itsura ko. Halatang-halata ang eyebags ko, lalo tuloy sumingkit ang mga mata ko.

Nabungaran ko ang excited na si Sabrina.

"Bru, tara swimming tayo! Andun silang lahat sa pool." Yaya niya.

"Ok, sige. Sunod ako." Natatawang sagot ko.

Pagkaalis ni Sabrina ay naghilamos lang ako at nag-toothbrush saka nagbihis ng panligo. Nag-two piece uli ako saka pinatungan ng sando at shorts. Nagsuot ako ng shades para hindi makita ang eyebags ko.

Agad kong nakita ang pool na kinaroroonan ng mga kasama ko. Nag-uumpukan ang mga lalaki sa kabilang side ng pool, seryoso ang mga ito. Siguro pinag-uusapan nila ang plano tungkol sa pag-propose ni Christian kay Sabrina mamaya kaya hindi ako agad napansin. Nakita ko si Sabrina na nakaupo sa gilid ng pool at nakalubog sa tubig ang mga paa habang nagbabasa ng pocketbook. Kumaway siya sa akin nang makita ako.

"Mukhang ang sarap ng tulog mo kagabi ah!" Nakangiting sabi niya nang makalapit na ako. Ngumiti lang ako sa kaniya saka naupo sa tabi niya.

Kung alam mo lang. Sa isip-isip ko.

Hinubad ko ang suot na shades at sando saka nag-dive sa pool. Naengganyo rin si Sabrina kaya sumunod siya sa akin.

Nang mapagod sa paglangoy ay inaya ko na siyang umahon saka naupo sa lounge chair. Napatingin ako sa kabilang side ng pool at di sinasadyang dumako ang tingin ko kay Francis na tila kanina pa yata ako pinagmamasdan. Pakiramdam ko'y sumirko ang puso ko sa simpleng pagtatama ng paningin namin. Agad akong umiwas ng tingin saka kinuha ang librong binabasa ni Sabrina kanina. Ilang minuto na akong nakatitig doon pero wala doon ang isip ko. Paano'y ramdam ko ang pagtitig ni Francis sa akin na. Nag-init ang mukha ko nang maalala ang paghalik niya sa akin kagabi.

"Hoy, bruha!" Sigaw ni Sabrina sa mukha ko. Nagulat ako at nabitawan ang hawak na libro.

The Doctor's WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon