Chapter 4

14.9K 275 24
                                    

Chapter 4

Pagdating ko sa apartment ay nadatnan ko silang lima na naguusap sa sala. Natahimik sila ng makita nila ako.

Si Sabrina ang unang bumasag ng katahimikan. "O Bru! Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Matipid akong ngumiti sa kanya. "Ok na ako. Tumawag ba si Mami Faye?"

Hindi natuloy ang appointment ko kay Mr. Pereira kahapon dahil sa letseng sakit ko kaya kailangan kong humingi ng dispensa kay Mami Faye.

"'Wag mo ng alalahanin si Mami Faye. Alam na niya ang nangyari sa'yo. Kumain ka na ba?" Tanong ni Lava sa akin.

"Oo kumain na ako. Pasensiya na kung hindi ako nakapag-text sa inyo kahapon--"

"Ok lang. Tumawag si Doc Pogi sa akin kahapon." Putol ni Berry sa sasabihin ko. "Kaming dalawa kasi ni Peach ang nagdala sa'yo sa clinic niya kaya may number kami sa kanya. Sabi niya magkakilala kayo at 'andun ka sa bahay niya nagpapahinga."

"Pa'no mo nga pala nakilala si Doc Pogi?" Tanong ni Peach.

Kanina pa nila tinatawag na Doc Pogi si Francis pero hinayaan ko na lang.

"Ah, kababayan ko siya." Iyon lang ang isinagot ko dahil wala akong balak ikwento pa sa kanila kung anong kaugnayan ko kay Francis dati.

Nahalata siguro ni Sabrina na ayaw kong pag-usapan ang tinutukoy nilang Doc Pogi kaya tumayo siya at niyaya niya akong pumunta sa kwarto namin. "Halika, bibigyan kita ng gamot."

Paika-ika akong sumunod sa kanya matapos kong magpaalam sa iba kong mga kasama.

Ito ang gusto ko sa kanya. Hindi siya mapag-usisa. Hindi kasi ako ang taong mahilig magkwento maliban na lang kung tungkol sa trabaho at nagpapasalamat akong iginagalang nila iyon.

Pagkapasok namin sa kwarto ay may binigay siyang gamot sa akin. "Inumin mo muna 'yan ha bago ka magpahinga. Maiwan na muna kita dahil may appointment ako mayamaya."

"Thank you, bru." Sabi ko sa kanya matapos niyang ibigay ang gamot sa akin. Tiningnan niya muna ako ng makahulugan bago ngumiti sa akin.

"Text mo ako pag may kailangan ka ha, dito ka muna." Humalik muna siya sa pisngi ko bago siya lumabas at isinara ang pinto.

Pinatong ko muna ang gamot sa side table saka sumandal sa headboard ng kama at tumitig sa kisame. Pero napapikit ako lalo nang lumitaw ang tila malungkot na mukha ni Francis sa balintataw ko.

Hindi. Hindi ako dapat maawa sa kanya.

At muling sumariwa sa isip ko ang partikular na pangyayaring iyon...

"Hoy, Glaiza! Anong meron at kasinlaki ng kawali ang ngiti mo d'yan?" Naiintrigang tanong ng katrabaho kong si Maan habang naka-taas ang isang kilay.

Tinawanan ko lang siya at nilagay ko na sa box ang huling gamit na iuuwi ko. 

"Nakapag-resign na ako!" Masayang sabi ko sa kanya.

"Sa lahat ng nag-resign, ikaw lang ang nakita kong masaya." Natatawang sabi niya sa akin.

Nag-decide kasi akong mag-resign na sa call center na pinagta-trabahuhan ko dahil iyon ang hiling sa akin ni Francis dati pa, pero ngayon ko lang iga-grant ang wish niya. Sosorpresahin ko siya mamaya. I have two surprises for him and I mentally giggled dahil nakikini-kinita ko na ang magiging reaction niya.

Magda-dalawang taon na kaming magnobyo ni Francis. Sinagot ko siya noong nasa second year college pa lang ako at siya naman ay nasa huling taon na sa kursong medisina. Nang mamatay si Papa Raul ay inudyukan niya akong tumira sa condo niya. Siya ang dumamay sa akin sa panahong nawala ang kinilala kong pangalawang magulang.

The Doctor's WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon