Thirty-third Kiss ∞

15.7K 287 14
                                    

3rd ud. Baka nalaktawan nyo po yung unang dalawa. :))

Vote, comment and enjoy.

***

-Frances-

 

 

[play nyo yung song sa side para mas feel yung chapter ^___^]

 

“Frances!! Pwedeng maupo ka muna?! Hilong-hilo na ko sayo. Wag kang mag-alala magiging okay din ang lahat. Alam kong hindi tayo iiwan ni Yna. Kaya nya yan, sya pa eh si Venus din yan eh” sabi ni Yosh at tumawa.

Kahit tumatawa sya alam kong natatakot din sya sa pwedeng mangyari.

Umupo ako sa tabi nya at tahimik din na naghintay.

Nandito kami sa ospital. Nagulat nalang kami kanina nang may tumawag sa amin na nasa ospital daw si Yna dahil sa isang car accident. Malala ang lagay nya ngayon pero alam kong kakayanin nya yun.

Tinawagan na din namin ang papa nya pati si Lynd pero hindi ko sya ma-contact.

Hindi ko pa alam kung anong nangyari pero sabi ng iba lasing daw si Yna habang nagda-drive.

Alam kong hindi madaling malasing si Yna at kaya nya pang mag-drive. Sa tingin ko may iba pang dahilan kung bakit to nangyari.

Makalipas ng ilang oras, lumabas na yung doctor.

Halos madapa na kami ni Yosh para lang makapunta sa kanya.

“Doc?”

“Ma’am , Sir, crictical po ang kondisyon ng pasyente. Malakas po ang tama sa bandang ulo nya at under observation pa ito ngayon. I’m sorry to say pero coma sya ngayon at malaki ang possibility na hindi na sya magising”

Tahimik pa din kami kahit nakaalis na yung doctor.

Hindi pa din ma-digest nung utak ko yung sinabi nya kanina.

Hindi.. alam kong kakayanin to ni Yna.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon