Waaaaaaaahhh sorry kung matagal ang update. Bakasyon kasi hahaha. Btw, happy 109k sa IHSAHMB :)) As promise, 5 chapters ang update today!!
Vote, comment and enjoy.
***
-Yna-
“Oh yan pwede ka nang umuwi”
Bigla naman syang sumimangot sa sinabi ko. Kakatapos lang nyang maghugas tapos yun agad ang salubong ko sa kanya. Ang sama ko talaga hahaha.
“Ehhh dito nalang ako matulog?” parang batang reklamo nya. Ang sarap pisilin nung pisngi nya.
“Ayaw” sabi ko pero parang gusto kong mag-oo.
*brooggggg* (Hahahaha tag-hirap ako sa sound-effects)
Nagulat kami ng marinig namin ang malakas na kulog. February palang pero may bagyo na?
“Tingnan mo? Kumukulog, pano kung maaksidente ako sa daan o kaya mahulog ako sa bangin o kaya---”
“Hep! Hep! Okay na sige na, dito ka na matulog.” sabi ko nalang kasi no choice na talaga eh at alam ko namang hindi ako titigilan nito.
Pumunta ako sa kwarto namin ni Akira. Dalawa lang naman ang kwarto dito kasi para sa amin lang talaga.
Nakasunod lang sya sa akin.
Dalawa naman yung kama dito.
“Dito ka nalang. Siguraduhin mo lang na wag mo kong gagapangin ah kundi hindi mo na masisilayan si haring araw.”
“Yes ma’am” sabi nya at sumaludo pa.
Hindi naman ako tulad ng iba na papatulugin sa kung saan-saan yung lalaki. Sa sahig o sa couch o sa kung saan pa man kasi open-minded naman ako sa mga ganitong bagay saka may tiwala naman ako kay Lynd.
Pumunta ako sa cr at naligo muna.
BINABASA MO ANG
IHSAHMB2: The Bad Girl's Kiss
Novela JuvenilShe loved him so much. He only broke her heart. Years passed, how if their paths crossed again? How a kiss will changed their everything?