Last chapter na to tapos epilogue na!!! Yayy mami-miss ko to.
By the way highway, saka ko na ipo-post yung epilogue.
Vote, comment and enjoy.
***
-Lynd-
Isang oras, isang araw, isang linggo, isang buwan.
Lahat ng yan lumipas pero hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising. Isang linggo nalang.. pagkatapos nun wala na.
Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya at dinampian ito ng halik.
Kelan ka ba magigising? Naiinip na ko oh.. Nakooo humanda ka talaga sa akin pag nagising ka. Itatakbo agad kita sa simbahan at magpapakasal na tayo.
“Anak, magpahinga ka muna.”
Napatingin ako kay Mom at ngumiti ako sa kanya.
Ayos na kami. Nakapag-usap na din kami pati sila ni Dad. Ayos na kami sa ganitong lagay. Ayos na ang lahat, sya nalang ang kulang at masaya na ko.
Napatingin ulit ako kay Yna.
“Wag kang mag-alala akong bahala sa kanya. Sige na, umuwi ka muna”
Tumango ako. Hinalikan ko si Yna sa pisngi at lumabas na.
Ayoko pang umuwi kaya naglakad-lakad muna ko. Pumunta ako sa madalas naming panuoran ng sunset kaso walang sunset ngayon kasi 10 na nang gabi.
Kinuha ko yung beer na binili ko sa nadaanan kong tindahan. Kahit pinapakita ko sa kanilang malakas ako, na kinakaya ko, iba pa rin talaga yung totoong nararamdaman ko.
Dineretso ko yung isang can at binato iyon. Wala akong paki kung may makakita sa akin. Ang sarap kayang bumato lalo na pag may problema ka.
“Tss, sa tingin mo sasaya si Yna pag nakita kang ganyan”
Nagulat ako ng may biglang magsalita sa tabi ko. Tsk, si Josh lang pala. Akala ko umuwi na sya.
Hindi ko na sya pinansin pero umupo sya sa tabi ko pero medyo malayo yung pagitan.
Nagbukas ako ng isang can at inabot sa kanya, tinanggap naman nya yun. Nagbukas ulit ako ng para sa akin.
“Hindi ka pa din ba sumusuko?” tanong nya pagkatapos ng isang mahabang katahimikan.
Napaisip ako sa tanong nya.
Maraming beses ko na yang pinag-isipan. Halos lahat ng nasa paligid ko sumusuko na. Mahina daw ang parte ng ulo ni Yna dahil sa sakit nya dati kaya malaki ang posibilidad na hindi na sya magising.
Lahat sila sa akin lang umaasa. Kung kelan ako susuko, susuko na din sila. Alam nilang wala na talaga silang magagawa pero para sa akin meron pa. Alam kong magigising pa sya. Alam kong hindi nya ko iiwan.
Gusto ko na talagang sumuko pero may pumipigil sa akin at sinasabi na lumaban ako.
“Hindi ko alam” sagot ko nalang sa kanya at uminom.
“Di ba pagkalipas ng isang linggo at hindi pa din sya nagising...”
Huminto sya sa pagsasalita pero alam ko na ang ibig sabihin nya. Pag natapos ang linggong ito at hindi sya nagising... wala na.
“Alam kong gigising sya” pursigidong sagot ko. Pero kahit ako hindi din sigurado.
Piniga ko yung can ng beer na kauubos ko lang.
Nakakainis.. gusto kong gumawa ng paraan para magising sya pero wala naman akong magawa.
“Pano kung hindi?”
Napahinto ako sa tanong nya.
Pano kung hindi?
*riiiiingg* *riiiingg*
Sinagot ko yung phone ko at muntik ko na tong mabitawan sa narinig ko.
“Si Yna.. Lynd!! Pumunta ka dito?!”
Agad akong tumakbo papuntang ospital. Hindi ko na pinansin yung tawag sa akin ni Josh pati na yung mga papadaan na mga sasakyan.
Pinutahan ko agad si Yna at halos tumigil ang mundo ko sa nakita at narinig ko.
*tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit*
Straight Line.
***
Sorry po :(((
BINABASA MO ANG
IHSAHMB2: The Bad Girl's Kiss
Teen FictionShe loved him so much. He only broke her heart. Years passed, how if their paths crossed again? How a kiss will changed their everything?