Thirtieth Kiss ∞

15.7K 293 23
                                    

4th and last update! Baka nalaktawan nyo yung tatlo :))

Vote,comment and enjoy. Here comes the big twist *o*

***

-Yna-

“Hoyyy!! Chabs!! Mahal ko!! Gising na!”

Napadilat ako nang makarinig ako ng sigaw.

Napangiti ako ng makita ko ang lalaking bumuo agad sa araw ko. Isang buwan na pala halos ang lumipas nung magka-ayos kami. Parang panaginip lang ang lahat pero totoong-totoo ito.

“Good morning” bati ko sa kanya tapos napatingin ako sa dala nya.

“Ano yan?”

“Pagkain?” pilosopong sagot nya.

Tiningnan ko sya ng masama. “Alam kong pagkain yan pero anong gagawin mo dyan?”

“Baka kakainin?” sagot nya ulit.

Bwiset. Ang aga-aga ah. =______=

“Ayusin mo nga yang sagot mo!!”

“Ayos naman ah?” maang na sagot nya.

Shemaaayy!! Kung di ko lang to mahal eh.

Hindi ko nalang sya pinansin at nahiga ulit at tumalikod. Ang aga-aga inaasar nya na ko.

“Uyy chabs! Sorry na”

Napangiti ako ng marinig ko yung tawag nya sa akin. Na-miss ko yun ah. Kahit ang sexy ko na yun pa din ang tawag nya sa akin.

Nagtampo-tampuhan ako kunwari. Hahaha akala nya sya lang ang marunong mang-asar ah.

Pumunta lang sya dito para asarin ako? Pwes mag-aasaran kami ngayon.

“Uyy dali na. Linutuan lang kita ng breakfast kasi sabi sa akin ni Frances kahapon medyo masama daw yung pakiramdam mo”

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon