Ako si Jaime. Mahiyain, Torpe, Walang kaibigan, ang tangi ko lang kasama ay yung gitara, libro, ballpen, papel, earphones at music player. Sila lang yung naging kaibigan ko, simula nung bata pa lang ako.
4 AM na, First day ko ngayon sa bago kong school. 3rd year high school na nga pala ako. Wala kasi kaming permanenteng tirahan kaya siguro wala rin akong kaibigan. Nagpalipat lipat kami ng bahay kasi sa trabaho ng dad ko, kung saan siya na dedestino dun kami naninirahan. Event Manager kasi siya ng company nila.
As usual yung daily routine ko, babangon ako ng alas kwatro ng umaga. Magluluto ng almusal, nag hahanda ng damit ng mga kapatid ko, gigisingin sila isa isa atsaka maliligo. Bago ako umalis ng alas 5 ng umaga mag gigitara muna ako para mag karoon ako ng Good vibes sa buong araw ko. Eto lang kasi ang naging sandalan ko sa lahat ng problema ko eh. Sa dati kong school MWF kong dala si "Ivan" pangalan yan ng gitara ko. Tapos TTH naman yung mga libro ko. Ganito lang yung buhay ko doon sa school ko dati. Ngayon sa first day ng school ko, wala akong dala tanging earphones at yung music player ko lang yung dala ko hindi ko pa kasi alam kung pwede yung gitara sa school namin eh tsaka wala pa rin kasi akong nabibiling bagong libro tapos ko na kasi basahin lahat yun eh.
Oo nga pala, yung school namin pwedeng magdala ng gadget, basta kaya naming alagaan at wala daw sagot ang school kung may mawawala. Syempre masaya ako dun kasi kahit paano pwede kong magamit yung music player ko kapalit ng gitara ko diba?