Ako si Lyra. Simple, Friendly, Hindi maarte, masayahin at madaldal. Masarap kasi sa feeling na nakakakita ako ng tao sa paligid ko na walang lungkot sa kanilang mga mata.
Oo nga pala, 3rd year na ako bukas. Madami nanaman akong magiging friends at madami nanaman akong makikilala sana wala na sa kanila yung ma mi mis-interpret sa pagiging friendly at masayahin kong tao. Sa sobrang pagka excited ko hindi ko napansin alas 4 palang pala ng umaga. Kasi dati lagi akong late sa school 5:30AM na kasi ako nagigisng, pero di bale wala na akong magagawa mag hahanda nalang muna ako ng pagkain ng mom and dad ko para sa pag pasok nila sa work. Only child kasi ako, busy kasi sila daddy sa work kaya hindi na ako nasundan pa. Sa pagiging busy nila, nung 8 years old ako lumipat kami ng bahay para daw mas malapit sa pinag tatrabahuhan nila daddy. Kung kelan naman may kalaro na ako saka pa kami lumipat. 7 years na rin yung lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan si Anjo, kamusta na kaya yun. Anyway ang aga aga ko nagising tapos mukhang malalate pa ata ako ngayon ah. Ang daldal ko kasi eh.
Ako : Mom. Dad. Aalis na po ako. May naprepare na po akong breakfast niyo sa dining area sana magustuhan niya. Bye po. *Kiss sa cheeks and bless both parents*
Mom & Dad : Okay sweetie, Mag iingat ka ha? We love you.
Ako : I love you too *Wave*