Chapter 6 : Another Happy Moments.

16 0 0
                                    

Akala ko okay na maaga na kasi akong nagigising. Kaso bakit ngayon pang apat palang na araw pero parang bumabalik nanaman yung gising ko ng 5:30AM. Kailangan ko na mag madali as usual tulad ng dati no breakfast at dumadaan nalang ako ng canteen para bumili ng saging. Eto kasi yung diet ko eh. Banana diet. First time 30 mins lang tapos na ako. Habang nag mamadaling maglakad papunta school napansin ko may lalaking ang bagal mag lakad at naka jacket siya. Pagkalampas ko sumimple ako ng tingin sabay sigaw. ANG BAGAL MO! Si Anjo kasi yun. Alam ko na siya yun kasi dun sa bonnet na suot niya nung isang araw pareho lang kasi.  

Lyra : Ang bagal mo namang maglakad. Parang pagong ah? Bilisan mo nga dyan. Dali

Jaime : Bakit ba nagmamadali ka dyan ha? May humahabol ba sa'yo?

Lyra : Oo meron. Yung oras. Anjo malalate na tayo oh. 6:20AM na nandito pa rin tayo. 6:40AM first class natin diba?

Jaime : Hahaha! Hindi ka nakikinig kahapon no? *Tawa ng malakas*

Lyra : Ha? Bakit ano ba meron ngayon?

Jaime : Ngayon kasi yung program na inihanda ng mga teachers para sa ating mga students ng school. Parang official opening ng classes. Ang aga ko nga eh. 8AM pa start nun eh. Kaso wala na akong kasama sa bahay pare pareho kasi kami ng schedule nila daddy eh. Kaya eto maagang papasok.  

Napatigil ako sa sobrang katangahan. Hala! Nako ang tanga tanga mo talaga Lyra. Masyado ka atang nawili dun sa presentation ni Anjo eh. Pero seryoso ang galing talaga. May balak ata akong pahulugin nitong panget na to eh. Hahaha. Pero nakaka kilig.  

Jaime : Hoy! Natigil ka dyan? Tulala pa? May problema ba?

Lyra : Ayyy! Wala. Hindi ko kasi narinig na sinabi pala ni Mrs. yan. Kaya tuloy eto nagmamadali. *Tumunog yung tyan ko*

Jaime : Hindi ka pa nag almusal no? Tara kain tayo. Ako rin eh hindi pa, sabay na tayo.

Lyra : Oo eh, kasi nga akala ko malalate nanaman ako. Tara dun tayo.   Tinuro ko yung favorite breakfast store ko. Dun sa may Tindahan ni Manong Johnny. Masarap kasi sisig nila dito. Pwede kang mamili, sizzling or not. Syempre umaga so yung hindi muna sizzling. Matapos kaming kumain ni Anjo. 

Jaime : Lia, Siguro kung hindi kita nakilala agad. Siguro ngayon nandun ako sa may gymnasium naka upo sa isang tabi habang nag babasa ng libro.

Lyra : Ako naman? Siguro tulog parin hangang ngayon.   Hindi namin namalayan na mag 7:30AM na pala. At nandito parin kami naka chill sa Tindahan ni Manong Johnny.

Lyra : Anjo, 7:30AM na oh. Malalate tayo nito kung hindi pa tayo aalis.

Jaime : Ah okay sige tara na.  

Hay. Another Happy Moments nanaman with Anjo. Sana magtuloy tuloy na to. Sana mabawi namin yung mga araw nawala at hindi namin na fill yung pangako namin sa isa't isa noong maliit pa kami.  

Made of A Broken String.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon