Saktong 8AM kami nakarating ng school. Nakasalubong namin si Jen at si Chi.
Jen : Goodmorning Lyra. *Yumakap*
Jacey : Ehem, Ehem. Yan ba yung kausap mo nung monday? *Ngiting nang aasar*
Chi : Nakita naman kayo dun sa Tindahan ni Manong Johnny.
Lyra : Oh hi. Good morning Jen. Goodmorning Chi *Yumakap* Siya yung kinukwento ko sa inyo dati. Siya yung kababata ko.
Chi : Ah si Anjo?
Jen : Ah mukha siyang mabaet ah? Kamusta na kayo? Paano na si Jacey? Diba type niya yan?
Lyra : Oo nga. Alam ko yun.
Ano kaya pinag uusapan nung mga yun. Bakit nakatingin sila sakin. Ano meron sakin? Pero sige na nga, hayaan ko na yun. Nandyan naman si Lyra, so maybe positive naman yung pinag uusapan nila.
Lyra : Anjo! Halika dito. Ipapakilala kita sa mga friends ko.
Ipapakilala? So magkakaroon na ako ng bagong mga kaibigan. Kaso diba nga Shy type ako. Paano na to. Hindi na bale mga kaibigan naman to ni Lia eh. Sige makikipag kilala ako sa kanila
Lyra : Anjo, Meet Jen and Chi. Jen, Chi meet Anjo este Jaime. Mahiyain kasi tong si Anjo pero wag kayong mag alala masarap naman kasi siyang kausap eh. *Ngumite kay Anjo*
Jen : Hi I'm Jen. *Inaabot ang kamay*
Chi : Ako naman si Chi. *Inaabot din ang kamay*
Ano ba to? Ang chicks ko naman para tanggihan tong mga kamay na to. Nakakahiya naman
Lyra : Anjo salita ka naman. *Sabay tawa*
Jaime : Ay sorry. Nice to meet you.
Dumating sina Jacey and Jia
Lyra : Ayan na pala sina Jia and Jacey eh. Meet Jaime, siya yung kinukwento ko sa inyo kahapon.
Jacey : Hi Jaime, Ako si Jacey *Medyo nag blush*
Jia : Tama na yan. Ako naman si Jia.
Biglang nag ring yung bell na sign na para mag ready na yung lahat sa program na hinanda ng school. Ngayon lang ako nag karoon ng mga kaibigan tas puro babae pa idagdag mo pa na Campus Crush to. Hala eh di magiging matunog pangalan ko kasi sila yung makakasama ko sa school na to sa buong taon. Sana naman maging positive, Sana walang negative.