Chapter 4 : Boy Meets Girl

18 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ma eexcite ako o hindi eh. Wednesday na! At ngayon din yung talent presentation namin. Wala na akong magagawa kailangan kong bumangon para sa daily routine ko. Luto, handa ng damit, mang gigising, tsaka maliligo. Heto nanaman ako, hawak yung gitara para maging Good vibes ako all the way. Ngayon kasama ko na yung gitara ko sa pag pasok ng school. Btw, nilalakad ko lang pala yung school namin kasi walking distance lang naman siya sa village namin eh. 

Habang naglalakad ako. May biglang may kumuha ng bonnet ko.

Lyra : Taga dito ka pala. What a coincidence. Goodmorning Jaime. *Sabay ngiti*

Jaime : Ah oo kakalipat lang namin. Goodmorning din. *Syempre ngumite na rin ako*

Lyra : So, ayan everyday may kasama na ako papasok ng school. Yey!

Lyra : Ang suplado naman nito. Tanggalin mo nga yang earphones mo at patayin mo na yang music player mo. At simulan mo na akong kwentuhan.

Jaime : Hmmm. Okay. 

Jaime : I only had one friend before. Since nung lumipat sila ng bahay, wala na akong contact sa kanya. Ang tagal na nun. 7 years na ata yung lumipas. Kaya simula nun, wala akong naging kaibigan kasi iniisip ko na kung hindi ako baka sila yung mang iiwan sakin sa huli kaya mas pinili ko nalang na kaibiganin tong si "Ivan" at yung mga papel, lapis, earphones at itong music player ko. Kahit na anong mood ng emotion ko sila parin yung nasa tabi ko. Oo close ko sa family ko pero may sari sarili kaming mga pinag kakaabalahan eh kaya hindi ko masyadong na oopen sa kanila yung mga problema ko. 

Lyra : Kaya naman pala mukha kang suplado. Patingin nga ng mukha? Cute naman eh, kaya ikaw mag smile ka na diyan at simulan mo na makipag kaibigan. Sigurado ako sa ugali mong yan madami kang magiging kaibigan. Maibalik ko, sabi mo kanina meron kang isang kaibigan dati? Kwento ka pa tungkol dun. Kasi ako ganyan din. Dali na kwento ka nung sa'yo tas ako rin mag kukwento mamaya after mo.

Jaime : Okay sige. Seryoso yan ah? Wag kang madaya. 

Lyra : Oo nga. Game na. 

Jaime : Ayun nga, Only child lang kasi siya nung time na yun. Kaya lagi siyang dinadala ng mga magulang niya sa clubhouse ng subdivision namin. Nag ka kilala kami nun kasi yung mommy ko tsaka yung mommy niya office mate dati. So ayun, simula nun naging close na kami at kami na yung laging mag kalaro. Siya nga yung first kiss ko sa lips eh. Yung mommy ko kasi tsaka yung mommy niya dinare ako na kung mayayakap ko si Lia bibilhan ako ng Jollibee. *Biglang nagsalita si Lyra*

Lyra : Kaso ang lampa ni Anjo kaya nahalikan niya si Lia. *Tumingin kay Jaime*

Jaime : Lia? *Curious na mukha*

Lyra : Simula palang nung una kitang nakita sa school napansin ko yung pendant na suot mo. Tapos kanina habang nag kukwento ka bigla kong nakita sa mata mo yung nakaraan. Oo Anjo, si Lia to. Ako to. Ang laki na ng pinagbago no? Dating batang iyakin ngayon eto handa na sa mga bagay na ipaparamdam sakin ni God. 

Jaime : Ikaw ba talaga yan? (Hindi makapaniwala si Jaime)

Lyra : Akin na yung kamay mo at sundan mo ako. *Ipinakita ni Lyra na hindi parin niya nakalimutan yung hand gesture promise nila ni Jaime bago umalis si Lyra 7 years ago*

Jaime : Ikaw nga talaga si Lia. Miss na miss na kita. *Sabay yakap kay Lia ng mahigpit*

Lyra : Na miss din kita Anjo. *Binalikan ng yakap si Anjo*

*Flashback*

Jaime : Pwede ba kitang tawaging Lia?

Lyra : Oo naman, Teka Anjo nalang itatawag ko sa'yo.

Jaime : Ang galing. Walang kalimutan Lia ah? Sana magkita pa tayo.

Lyra : Magkikita parin tayo. Sigurado ako dyan. Oh eto itago mo to at sana pag nakita ulit tayo suot mo na tong pendant na to. Ma mi miss kita Anjo.

*End of Flashback*

Jaime : Malapit na tayo sa school. Kakausapin ko si Mrs. Andaya na ipalipat ako sa tabi mo para naman makapag kwentuhan pa tayo. 

Lyra : Sige sasama na rin ako sa'yo. Teka anong gusto mong tawag ko sa'yo? Anjo o Jaime.

Jaime : Anjo. At Lia parin tawag ko sa'yo. *Smile*

Made of A Broken String.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon